^

Dr. Love

Stay as friends

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May one year na nang makipag-break ako sa boyfriend ko. Ang sabi ko sa sarili, matatagalan bago ako muling magmahal dahil sadyang mahirap kalimutan ang pagpapakasal sa iba ni Ador.

Binantaan siya na hindi makakapag-take ng bar kapag hindi pinakasalan si Lisa, na nabuntis niya. Kaya ayun, goodbye na ang love life ko. Ang saklap dahil hindi ko alam kung saan ako nagkamali at bakit naghanap pa ng sideline ang boyfriend ko.

Akala ko himala na lang na maka-move on ako, pero nagkamali ako nang makilala ko si Daniel, bachelor lawyer na kaibigan ng amiga kong si Doris.

Pareho kami ng kapalaran, sawi sa pag-ibig. Kaya kagaya ko ay gusto rin niyang maglibang at makalimot sa pait nang nakaraang love affair. Maraming beses na kaming lumabas, nag-dinner, namasyal at nanood ng sine.

Na-realize ko na bumalik ang sigla ng buhay ko dahil kay Daniel. Pero nung sinabi niyang he’s crazy in-love to me ay bumalik ang duda ko. Hindi ako kumbinsido na ang kailan lang na sariwang sugat ng puso niya ay in-love na, agad-agad?

Ang sabi ni Daniel, kilala niya ang sarili niya kung talagang in-love na. To be honest, gusto kong maniwala na totoo ‘yun, Dr. Love pero hindi ako kampante at maaaring ginagamit lang niya ako para pansamantala siyang malibang.

Payuhan mo po ako. Thank you very much po.

Gumagalang,

Chinita

Dear Chinita,

Kung hindi ka pa handang magtiwalang muli, hindi ka pa rin handang magmahal uli. Kaya huwag mong i-push. Para sa akin, mas mabuti na makilala n’yo nang mabuti ang isa’t isa. Stay as friends. Dahil I’m sure in a right time, ang puso mo mismo ang kukumpirma kung ready na itong tumibok para sa isang special someone.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with