^

Dr. Love

Huwag iboykot ang kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ikakasal na po sa darating na Disyembre ang bunso kong anak na si Geraldine sa isang lala­king malayo ang kuwalipikasyon kung ihaham­bing sa aking anak.

Mataas ang pinag-aralan ng aking anak at ka­bilang sa pangunahing graduate sa pinagtapusan niyang kolehiyo, habang ang magiging asawa naman niya ay pogi lang dahil high school ang natapos.

Ito po ang malaking palaisipan naming pamilya ni Geraldine, dahil mistulang hindi niya ginamit ang talino niya sa pagpili nang makakasama sa buhay.

Ikinabigla ko po ng todo nang ipagtapat ng aking­ anak na boyfriend na niya si Dante, samantalang hindi man lang namin namalayan na nanligaw ito.

Dating manliligaw ng nakakatanda kong anak na si Marita si Dante at nagpapasalamat akong malakas ang pakiramdam ng aking anak sa pag­kabatugan ng kanyang manliligaw kaya basted po ito sa kanya.

Lahat na po nang pakikipag-usap at pakiki­usap ay ginawa na naming mag-anak kay Ge­raldine para ma-realize niya ang lahat at magbago ang pasyang pakasal kay Dante.

Sinabi namin na kung may nangyari na sa ka­nila at buntis siya, nakahanda kaming suportahan siya basta huwag lang papakasal. Pero hindi po nakinig ang bunso ko. Sa halip ay lumayo na ang loob niya sa aming pamilya niya.

Nang mamanhikan na ang pamilya ni Dante, sinabi ng ina niya na akala raw nila ay habambuhay na nilang susuportahan ito. Bagay na lalong nagpatibay sa obserbasyon ko sa tunay na pakay ni Dante sa aming anak.

Economist at nagtuturo sa isang university si Geraldine. Pero hindi niya maunawaan ang hangarin namin para sa kanya. Sa palagay ko nakuha siya sa gandang lalaki at buladas ni Dante. Plano kong hindi dumalo sa kasal bilang protesta. Pero nakiusap ang iba ko pang mga anak na huwag nang iboykot ang kasal para maipakita na anuman ang kahinatnan ng relas­yon nila nang pakakasalan niya ay nana­natiling nasa likuran niya ang kanyang pamilya.  

Tama po ba ang desisyon ng mga kapatid ni Geraldine? Hihintayin ko po ang inyong maha­lagang payo.

Gumagalang,

Worried Mama

Dear Worried Mama,

Sang-ayon ako sa desisyon ng iba mo pang anak. Kung minsan sa kabila ng pagsisikap ng mga magulang na matuto sa mas madaling pa­raan ang kanilang anak, mas pinipili nito ang mahirap na proseso. Kaya hayaan mo lang, nasa hustong gulang na naman siya. Ang isipin mo na lang ay hindi ka nagkulang ng pangaral. Nasa mga anak mo na ang pagpapasiya kung ano ang pipiliin nilang maging buhay. Kaya don’t worry.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with