^

Dr. Love

Bumalik para magpaalaga

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nahaharap po ako ngayon sa isang pangmadaliang pagpapasya na may kinalaman sa pamilya.

Hiniwalayan po ako ng aking asawa. Bukod sa dalampung taon nang pagsasama ay tinlikuran din niya ang aming dalawang anak at ipinagpalit sa nakilala niyang singer sa night club. Pati ang a­ming joint account ay nilimas niya para sa kapritso ng kanyang babae.

May sampung taon na po ang nakakalipas mula noon. Sa mga taong ‘yun ko naranasan ang katahimikan, kapayapaan at nagawang panumbalikin ang respeto sa aking sarili. Walang-wala na akong pagmamahal na nararamdaman para kay Dado.

Pero kailan lang ay kinausap ako ng aking panganay at sinabing may sakit ang kanilang daddy, stage 4 cancer. Sa kabila nang nangyari sa aming pamilya ay nanatili ang respeto ng mga bata sa kanilang ama, dahil ni-minsan ay hindi ko naman siniraan si Dado sa aming mga anak.

Dr. Love, hindi ko po kayang alagaan ang taong umiwan sa aming mag-iina. Iniwan niya kami at ngayong may sakit siya at iniwan na ng kanyang kerida ay magpapaalaga siya sa akin?

Pero paano ko sasabihin ang damda­ming kong ito sa aking anak? Hindi naman nagkulang ng sustento sa kanilang magkapatid ang kanilang daddy.

Thank you in advance sa payo ninyo.

Gumagalang,

Edna

Dear Edna,

Hindi ka naman mapipilit ng iyong mga anak sa bagay na hindi mo gustong gawin. Tutal parehong malalaki na naman ang iyong mga anak, bakit hindi mo imungkahi sa kanila na sila ang mag-alagaan ang kanilang daddy? At ipaliwanag mo sa kanila nang mabuti ang kalooban mo tungkol dun. Sana ay magawang magsisi ng iyong dating asawa bago pa tuluyang mahuli ang lahat para sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with