^

Dr. Love

Sundin ang gusto

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Tawagin mo na lang akong Cito, 24-anyos at may kasintahan ako. Tawagin mo na lang siyang Florina, 24-anyos din.

Si Florina ay hiwalay sa asawa at may pormal na annulment ang kasal niya sa unang mister. Magpapakasal na sana kami at pumayag na ang mga magulang ko. Pero nang malaman na si Florina ay hiwalay sa asawa, gayun na lamang ang kanilang pagtutol.

Malinis pa si Florina. Ang dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay ay sapagkat ang kanyang pinakasalang 57-anyos ay isa nang impotent. Isang bagay na nalaman niya nang sila’y magsama na. Hindi ito ipinaalam ng kanyang napangasawa bago ang kasal kaya may matibay na dahilan para ma-annul ang kasal nila.

Kaso, ano mang paliwanag ko sa aking mga magulang ay ayaw nilang tanggapin. Ano ang dapat kong gawin? Sabi nila, puwede ko silang suwayin pero kailan man ay hindi nila ako mapapatawad.

Ano ang gagawin ko?

Cito

Dear Cito,

Lampas-lampas ka na sa tamang edad at may karapatan ka nang sundin ang kalooban mo. Walang magulang na hindi kayang patawarin ang anak. Sabi lang nila na hindi ka patatawarin.

Siyempre magagalit sa iyo ang iyong mga magulang pero huhupa rin ang galit na iyan lalo na kapag nagkaroon na sila ng apo.

Sa larangan ng pag-ibig, lalo pa’t ikaw ay nasa edad na, walang puwedeng manghimasok sa iyo para gumawa ng desisyon na labag sa iyong kalooban, dahil nakasalalay diyan ang buong buhay mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with