^

Dr. Love

Pangamba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Greetings. Tawagin mo na lang akong Si­meon, 57-anyos. Naglakas-loob akong su­mulat sa iyo dahil sa aking problema.

Bata sa akin ng 20-years ang misis ko at ma­ganda pa at pusturyosa. Wika nga, sa ganda niya ay marami pa ang magkaka-interes sa kanya.

Sa katunayan ay mainit pa siya at pala­hanap samantalang ako ay hindi ko na matugunan ang kanyang paghahanap.

Hindi naman ako puwede sa mga gamot sa pagkalalaki dahil may karamdaman ako sa puso. Hindi naman siya nagagalit kapag tina­tanggihan ko siya sa dahilang pagod ako. Ngu­nit hindi ko alam ang nasa isip niya. Baka disappointed siya sa akin.

Nagtatrabaho siya sa bangko bilang teller at natatakot ako na baka matukso siyang maki­pagrelasyon sa mas bata na kayang ibigay ang kanyang gusto.

So far naman, walang nangyayaring ganito dahil lagi ko siyang sinusundo. Halos sabay ang aming work schedule at ‘di kalayuan ang aming­ pinagtatrabahuhan.

Pero ano ang puwede kong gawin para ma­ibalik ang aking kakayahan?

Simeon

Dear Simeon,

Kung magkasabay naman kayo araw-araw ay wala kang dapat ipangamba. Ipaunawa mo sa kanya ang iyong limitasyon dahil sa iyong edad at health condition. Mauunawaan niya ‘yun dahil asawa ka niya.

Tumbasan mo na lang ang kakulangan mo sa pamamagitan ng ibang paraan. Huwag kang magpapakita ng pagiging mainitin ang ulo at maging malambing ka sa kanya. Unawain mo siya kapag mayroon siyang pagkukulang dahil ikaw ay may pagkukulang din.

Mag-date kayo palagi, regaluhan mo siya nang ma­dalas para ipakitang mahal na mahal mo siya.

Higit sa lahat, sabay kayong manalangin palagi at magbulay sa Salita ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with