^

Dr. Love

Huwag maging taksil

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang malugod at mabiyayang pagbati sa iyo, Sir.  Kung pupuwede, tawagin mo na lang akong Rosal, 30 taong gulang at may asawa at isang anak.

Sinagot ko ang asawa ko dahil nabigla ako matapos makipag-break sa akin ang boyfriend ko noong ako ay 20-anyos pa lang.

Sampung taon na ang nakararaan. Tapat sa akin at responsable ang mister ko.

Pero ang problema ay wala akong pagmamahal sa mister ko, kundi magulo lang ang isip ko noong sinagot ko siya at pumayag na magpakasal sa kanya.

Limang taon din kami ng una kong boyfriend na kaklase ko mula pa first year high school at nagmahalan kami nang husto.

Pero napikot siya kaya napilitan siyang hiwalayan ako para pakasalan ang babaeng pumikot sa kanya.

Ang problemang gumugulo sa akin ngayon ay gusto ng dati kong boyfriend na magbalikan kami. Iwan ko raw ang asawa ko at iiwan niya ang asawa niya. Parang dama ko na mahal ko pa rin siya. Ano ang gagawin ko?

Rosal

Dear Rosal,

Delikado ang situwasyon mo. Walang kasalanan ang lalaking napangasawa mo, sabihin mo man na nabigla ka lang sa pagpapakasal sa kanya. Huwag mo siyang saktan at pati ang anak ninyo ay madadamay.

Puwede lang akong magpayo pero kung susundin mo ang payo o hindi ay ikaw lang ang makakaalam nun.

Alam mo, hindi ako naniniwala sa pikot. Hindi mapipikot ang kahit sino’ng lalaki kung hindi siya magsasamantala sa isang babae. Hindi ko pa man nakikita ang napangasawa mo, palagay ko naman ay matino siya at tapat sa iyo, hindi ba?

Kaya huwag kang maging taksil sa lalaking tapat sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with