^

Dr. Love

Lumamig na pag-ibig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A blessed day to you Dr. Love. Mangyaring pakikubli mo na lang ako sa pangalang Marcel 30 anyos at may kalive-in na bata sa akin ng sampung taon.

Akala ko noon ay siya na ang Mr. Right sa buhay ko dahil responsible at mabait. Tatlong taon na kaming nagsasama pero wala pang anak.

Nitong mga nakaraang araw ay nagbago siya. Dis-oras na ng gabi kung umuwi at sa tuwing magtatanong ako ay pabalang-balang na kung sumagot.

Pareho kaming nagtatrabaho at kung wala kami ay inila-lock na lang namin ang bahay. Dati’y malambing siya at akala ko’y wagas ang pagmamahal niya.

Hanggang sa kinausap niya ako minsan at inaming may iba na siyang mahal at hihiwalayan na raw ako. Ni minsan ay hindi ako nagtaksil sa kanya kaya napakasakit.

Dalawang buwan na mula nang sabihin niyang maghiwalay na kami pero hanggang ngayon ay hindi pa niya ako iniiwan. Mahal pa kaya niya ako?

Marcel

Dear Marcel,

Kung ako ikaw, tanggapin mo na ang alok niyang maghiwalay kayo. Una, hindi kayo kasal at sa mata ng Dios ay bawal iyan. Pangalawa,  lumalabas ang tunay niyang pagkatao ngayon na basta-basta ka na lang sasabihang maghiwalay na kayo. Mabuti at wala kayong anak.

Kalimutan mo na siya at kung muli kang maki­­kipagrelasyon, huwag ka nang makipag-live-in. Mahalaga ang kasal kahit ano pa ang kaisipan ng mga “modernong”  tao ngayon.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with