^

Dr. Love

Nangangamba sa planong kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na akong tagasubaybay ng column mo. Gustung-gusto ko ito dahil pinapalawak nito ang kaalaman ko tungkol sa iba’t ibang sitwas­yon sa buhay pag-ibig. Ngayon ako rin ay nag­hahangad na mapagpayuhan mo sa problema ko.

Itago mo na lang ako sa alyas na Gema. Marami rin akong napupulot na pointers mula sa mga payo mo pero ngayon ay magiging specific ako sa aking problemang ihihingi ng payo.

Kung lovelife ang pag-uusapan, wala na akong mahihingi pa dahil sobrang mapalad ako. Napakabuti at mabait ng aking papa at mama, at nakatagpo ako ng kasintahang faithful at mapagmahal.

Kakaiba ang boyfriend ko. Kay dami niyang sakripisyong ginawa para sa akin. Minsan ay na­pag-usapan namin ang pagpapakasal. Buo na ang plano. Pero kung minsan sa aking pag-iisa ay may pangamba ako.

Ang kinatatakutan ko ay baka matulad ako sa iba kong kaibigan na iniwanan ng asawa dahil sumama sa ibang babae. Natatakot akong mangyari ito sa akin gaya nang nararanasan sa kasalukuyan ng dalawang matalik kong mga kaibigan.

Hindi rin ako sigurado kong sapat ang kakayahan ng boyfriend ko na magpamilya dahil maliit lang ang kanyang sweldo. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gema

Dear Gema,

Sa plano ninyong pagpapakasal ng boyfriend, nananatili ang pag-aalinlangan mo sa kanya. Kung ganito rin lang, iisantabi n’yo muna ang inyong balak para mas makapag-isip-isip ka. Magiging unfair naman sa boyfriend mo kung sigurado siya sa hangarin niya sa iyo pero ikaw ay hindi nakakatiyak sa disposisyon mo para sa kanya at sa inyong mga plano.

Tandaan mo na ang pagpapakasal ay maha­lagang desisyon sa buhay kaya dapat pag-ara­lang mabuti ang estado ng puso para hindi ma­uwi sa pagsisisi.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with