^

Dr. Love

Binalikan ng tunay na kaligayahan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi naging madali sa akin nang magpasya ang boyfriend kong palayain ako sa aming relasyon dahil mahal na mahal ko siya. Pero nakapagdesisyon na siyang magtrabaho sa ibang bansa para matulu­ngang mapag-aral ang lima pa niyang mga kapatid.

Ang sabi ni Dante, ayaw niyang makahadlang sa aking kaligayahan, kaya niya ako pinalaya. Eh, Dr. Love nakahanda naman akong maghintay sa kanya. Pero hindi na ako nagkaroon ng chance na masabi ‘yun dahil nakaalis na siya.

Nang mga panahong ito ay inuudyukan na akong mag-asawa ng mga magulang ko para magkaroon na sila ng apo sa akin, na bunso sa pamilya. Ipinakilala ni tatay si Manny, na siya nang pinakasalan ko.

Nagkaroon kami ng dalawang anak. Masaya ang pagsasama namin pero dinapuan ng cancer sa lalamunan ang asawa ko na siya niyang ikinamatay.

Dr. Love, noong nakaratay pa si Manny, sinabi niya na sa aming pagsasama ay selos na selos siya sa una kong boyfriend. Dahil nararamdaman daw niya na mas mahal ko ang dati kong boyfriend kaysa sa kanya. Hindi pa po sila nagkakakilala pero nagseselos na siya.

Ang sabi ni Manny, kung sa pagpanaw niya ay bumalik si Dante ay malaya raw akong umibig muli. Parang nagdilang anghel ang aking asawa, dahil nagbalik nga si Dante.

Hindi na raw mag-aasawa si Dante kung hindi rin lang daw ako ang kanyang magiging katali. Dr. Love, wala ring tutol ang dalawa kong anak sakaling mag-asawa akong muli.

Ang problema ay natatakot akong magkama­li sa aking desisyon. Aaminin kong mahal na mahal ko pa rin si Dante at gusto kong bigyan ng ikalawang pagkakataon ang aming pag-iibigan. Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Yolanda

Dear Yolanda,

Nasa tamang pagkakataon ang lahat, kaya huwag mo nang palampasin ang tsansang makapiling ang tunay na itinitibok ng puso mo. Hayaan mong unti-unting maibalik ang naputol ninyong pagmamahalan ni Dante. Hangad ko ang panghabang-buhay na kaligayahan para sa inyong dalawa.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with