^

Dr. Love

Instant replay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pleasant day to you. Itago mo na lang ako sa pangalang Joey, 30-anyos at may asawa. Aaminin ko na sa unang tatlong taon naming mag-asawa ay naging babaero ako. Madalas ko ring mapagbuhatan ng kamay ang misis ko.

Pero ‘yun ay bahagi na nang kahapon at isa nang tapos na kabanata ng aking buhay. Humingi na ako ng tawad sa misis ko at binigyan niya ako ng second chance.

Nagbago ako sapul nang maging born again Christian ako three years ago. Ang misis ko ay hindi pa converted at ang masakit, siya ngayon ang naging masungit. Malamig din ang pagtrato niya sa akin. Sa konting hindi niya magustuhan sa akin ay isinusumbat niya ang aking nakaraan nang ako’y babaero pa.

Bakit ganoon? Ang Diyos kung magpatawad ay lubos at burado ang lahat ng record of wrong. Pero ang misis ko, sa konting mali ko ay agad nare-replay ang kasalanan ko noon. Ano ang dapat kong gawin?

Joey

Dear Joey,

Gaya mo, walang makakapagpabago sa misis mo kundi ang Diyos. Ganyan talaga kung magpatawad ang tao. Parang nabasag na plorera. Pagdikit-dikitin man at pintahan, naroroon pa rin ang mga lamat.

Ang Dios ay ganap kung magpatawad.

Ipanalangin mo siya at magpakita ng magandang halimbawa ng iyong pagiging Kristiyano upang makaranas din siya ng pagbabago ng puso at magbalik-loob sa Panginoon.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with