^

Dr. Love

Napamahal sa anak ng ex-lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong balo, hindi ko akalain na ang dati kong tahimik na buhay ay mauuwi sa pagka-problematic nang makarelasyon ang lalaking hiwalay sa asawa at noon ay may paslit pang anak.

Hiniwalayan ni Dado ang kanyang misis dahil ayaw nitong alagaan ang kanilang anak at nagkrus naman ang aming landas.

Wala namang problema sa akin kung may tangay na anak ang aking nobyo, dahil wala naman akong anak sa aking sumakabilang-buhay nang asawa. Inari ko na parang akin si Herman na noon ay tatlong taong gulang pa lamang.

Lumaki ang bata na sunod sa layaw, ipinasok ko siya sa private school. Ako rin po ang naghahatid at nagsusundo sa bata. Dahil mabait ang bata ay napamahal ito sa akin.

Si Dado naman nang lumaon ay nanaig ang pag­ka-playboy. Paiba-iba ang babae. Nasa 11-anyos na si Herman nang makatagpo nang panibagong babae ang kanyang ama, mas bata at sexy. Kaya pinalayas ko na siya sa aking bahay.

Ang problema, ayaw sumama sa kanya ng sarili niyang anak. Ipinakiusap ni Dado na iiwanan­ muna si Herman sa akin at dadalaw-da­lawin niya naman hanggang magkaroon sila ng sariling­ bahay na mauuwian.

Ganun po ang nangyari, hanggang sa kunin na ni Dado ang bata at sa hindi ko alam na dahilan ay iniwan na niya si Herman sa kanyang ina. Kasal po si Dado sa asawa niya.

Gusto ko pong ihingi ng payo kung ganap kong gawing legal ang turing sa anak ni Dado pero tuluyan na siyang walang pakialam sa bata. Malapit po sa akin si Herman kaysa sa tunay niyang ama. Pero paano po kung biglang umek­sena ang tunay na ina niya? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Alicia

Dear Alicia,

Hindi ako masyadong pamilyar sa legal na proseso nang pag-aampon. Ang tanging alam ko lang ay dapat may panghawakan kang matibay na dokumento na akuhin ang karapatan sa bata. Pero mas makakabuti kung sa abogado ka lumapit para hindi ka maabuso ng mga magulang ni Herman, sa sandaling malaman nila ang hangad mong ampunin ang kanilang anak. Maaari rin na para makaiwas sa komplikasyon, mag-ampon ka na lang ng ibang bata. ‘Yung ikaw talaga ang kalalakihang magulang.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with