^

Dr. Love

Disgrasyada ang girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po at masaganang pangungumusta sa inyo. Naisipan kong lumiham sa inyo dahil sa pinagdaraanan ko.

Buo na sana ang pasya kong magpakasal dahil 37-anyos na po ako at sa palagay ko’y handa nang magkapamilya. Ang pagkakakilala namin ni Mina ang bumuo sa pasyang ito.

Pero nang minsan magpunta ako sa kanila, kinausap ako ng kanyang ina at ipinagtapat sa akin na disgrasyada ang girlfriend ko. Ang bata ay ipinakikilala nilang bunsong anak at kapatid ni Mina.

Gaya ng mga nauna sa akin na karelasyon ni Mina, ginawa ng kanyang ina ang pagtatapat para magkaroon ako ng pagkakataong makapagpasya. Dahil inilalayo rin ng kanyang ina si Mina na masaktan.

Dr. Love, hindi po agad ako nakasagot nang tanungin ako ng mama ni Mina kung gugustuhin ko pa rin bang pakasal sa kanilang anak, sa kabila ng katotohanang sinabi niya sa akin.

Magiging magaan po sana kung kay Mina ko nalaman ang tungkol dito. Hindi ko po alam kung ano na ang nararamdaman ko kay Mina ngayon.

Payuhan mo po ako. Maraming salamat sa pagbibigay pansin ninyo sa problema kong ito.

Gumagalang,

David

Dear David,

Sa palagay ko, base sa sulat mo ay nakaapek­to ang nalaman mong sikreto ni Mina sa inyong relasyon. Kung hindi mo makita sa kalooban mo ang dating estado nito kaugnay sa kagustuhan mong pakasalan siya, kalimutan mo na ang plano tungkol dito. Dahil obviously, hindi sapat ang pagmamahal mo sa kanya para tanggapin ang nakaraan niya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with