^

Dr. Love

Tibo ang karelasyon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabiyayang pagbati sa iyo at sa dagsa-dagsa mong tagasubaybay. Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat ko.

Itago mo na lang ako sa pangalang Rica, 23-anyos at dalaga. Third year college lang ang natapos ko dahil kapos kami sa pinansyal. Nagtrabaho na agad ako sa isang department store at dito ako nagkaroon ng karelasyon na tomboy.

 Hindi ko alam kung papaano ako napaibig sa kanya. Palibhasa ay maalalahanin siya at good provider. Nagsama kami sa isang bubong kahit may pagdududa ako sa sarili kung mahal ko nga ba siya.

Pero may nakilala akong manliligaw na binata. Hindi masyadong guwapo at mabait naman at may matatag na trabaho.

Naisip ko, mas maganda ang future ko sa isang totoong lalaki dahil makakabuo kami ng pamilya. Pero papaano ko sasabihin ito sa kinakasama ko nang hindi siya masasaktan?

Rica

Dear Rica,

Siyempre ang ano mang pakikipag-break sa isang nagmamahal sa iyo ay masakit. Pero kung may pasya ka na tama, dapat mong gawin. Huwag lamang siyang maging bayolente. Sabihin mo ito pero huwag sa loob ng tirahan ninyo, kundi sa labas. Kumain kayo sa labas at doon mo sabihin sa kanya ang desisyon mo para hindi ka niya magawan ng masama.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with