^

Dr. Love

Inaayawan na maging manugang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kahit pa engage na kami ng boyfriend kong si Sammy, hindi pa rin nagbabago ang trato sa akin ng tatay niya. Ang masaklap ay sinasabi niya sa ibang tao sa paligid na hindi niya ako gustong maging manugang.

Nag-iisang anak na lalaki po si Sammy, tatlo ang kapatid niyang babae. Matalino at madiskarte si Sammy at ipinagmamalaki ‘yun ng tatay niya sa lahat. Manager na po kasi ng bangko ang boyfriend ko.

Ang estadong ito ni Sammy na may magandang hanap-buhay ang pinaniniwalaan ng tatay niya na tanging hangad ko sa aking boyfriend. Isa pa, may anak ako sa pagkadalaga, bagay na hindi matanggap ng ama niya. Dahil mistulang second hand na raw ako at dehado ang kanilang anak.

Dr. Love, sa maraming beses na nagawang magparinig ng hindi magandang salita sa akin ng tatay ng boyfriend ko ay ipinagpapasalamat ko na nakakapagtimpi ako. Pero hindi ako nakakasiguro kung hanggang kailan ko mapagpapasensyahan ang tatay ni Sammy.

Minsan ko nang nai-open sa kanya ang tungkol dito. At ang sabi niya ay kakausapin niya ang tatay niya para hindi na ako hiyain sa ibang tao. Pero ilang taon na ang nakalipas ay wala pa ring pagbabago.

Ngayon po ay nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ang pakikipagrelasyon kay Sammy. Dahil sa nangyari ay hindi niya siniseryoso ang problema ko sa pagtrato sa akin ng kanyang ama.

Nangangamba pa ako na kung magkatuluyan kami ay makakaranas din ng hindi maganda ang aking anak. Hindi ko na po mapapalampas ‘yun. Pagpayuhan po ninyo ako, hihintayin ko po ang inyong sagot.

Maraming salamat po sa pagkakataon mailabas ko ang aking sama ng loob sa inyong popular na column.

Gumagalang,

Dulce

Dear Dulce,

Nauunawaan ko ang hindi magandang pakiramdam na nararanasan mo sa tuwing hinihiya ka ng tatay ng boyfriend mo. Pero mas mabuti na huwag kang magpadalos-dalos. Kausapin mo uli si Sammy tungkol dito at bigyan siya ng ultimatum na makita mo ang hakbang niya para mare­medyuhan ito. Sa sapat na panahon na wala pa ring mangyari, subukan mong kausapin sa harap niya ang tatay niya at i-open ang sitwasyon. Sa pagkakataon ‘yun mo makikita kung maipagtatanggol ka ba ng boyfriend mo o hindi. Pero gawin mo ang bagay na ito nang pinana­natili ang respeto sa magulang niya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with