^

Dr. Love

Sariling ina pala ang minahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 25-anyos na waiter sa isang kilalang night club sa Maynila. Tawagin n’yo na lang ako sa alyas na Jun. Ang totoo ay nagdadalawang-isip akong sumulat sa inyo dahil ayaw kong mahusgahan ng iba.

Pero wala na akong maisip na pwedeng pagkatiwalaan sa problema ko. Magtatatlong taon na akong dancer sa pinapasukan kong club at aaminin ko na hindi lang dito nagtatapos ang pakikihalubilo ko sa mga customer.

Dito na kami nagkakilala nang ka-live in kong si Elsa, matagal na siyang GRO sa club. Mahigit sa sampung taon ang tanda niya sa akin. Pero sa pakiramdam ko, siya na ang gusto kong makasama habang buhay.

Dumating ang gabi na hindi ko inaasahan, nagkita kami ni tatay sa club. At nang sanda­ling ‘yun ka-table niya si Elsa.

Parang hinipan ng hangin ang tama ng alak kay tatay, nang ipakilala ko sa kanya si Elsa na ka-live in ko. Agad niya akong hinila at sinabing, “hindi pwede, hindi pwede!”

Kitang-kita ko ang pagkagulantang ni Elsa kasunod nang paghagulgol niya. Naguluhan ako bigla, na para bang may hindi ako alam. Sa madaling salita, bago nagtapos ang gabi, nalaman kong hindi ako tunay na anak nila tatay at nang pumanaw kong nanay.

Ipinamigay ako ng kanilang kababata at kaibigan, si Elsa ‘yun na bata pa nang magbuntis. Para akong mapapraning nun, Dr. Love. Hindi na ako nakabalik sa club at piniling magpakalayo.

Pagpayuhan po ninyo ako kung paano ko malalampasan ang miserableng pakiramdam ko dahil sa katotohanang sarili kong ina ang minahal ko.

Gumagalang,

Zander

Dear Zander,

Hindi na natin mababago ang nakaraan. Pero may magagawa pa para sa kasaluku­yan at hinaharap. Marahil gaya mo ay biktima rin ng kawalan ang noo’y bata mong ina kaya ka niya pinaampon. Kung ang paglayo ang makakatulong sa iyo para makapag-move on, gawin mo. Pero sana ay hindi ka magtanim ng galit sa iyong ina at sa kinilalang mong ama. Patawarin mo sila at magsimula nang bagong buhay. Piliin mo sana sa iyong pagsisimula ang marangal na trabaho.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with