^

Dr. Love

Isinuko ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Dulce, isang balo na may apat na anak.

Wala na sana akong dapat hilingin pa dahil sa tulong at awa ng Panginoon, naigapang ko ang aking mga anak sa pag-aaral, gamit ang nakuha kong separation pay ng yumao kong asawa.

Maliliit pa ang mga anak ko nang mamatay si Franco. Kaya kung anu-anong mapagkakakitaan ang pinasok ko para hindi sila matigil sa pag-aaral. Hindi rin naman kami pinabayaan ng mga biyanan ko na umalalay din sa mga gastusin.

Gumanda ang pasok ng pera nang makaisip ako na maglagay ng water refilling station. Pero higit kaming nakaluwag nang makatapos na ang da­lawa sa mga anak ko.

Nakapasok bilang lineman si Carlos. Maganda ang kanyang kita dahil may night differential at may isang sako ng bigas kada buwan. Pero hindi ko akalain na ang alanganing oras niya sa trabaho ang pag-uugatan ng problema.

Natutong gumamit ng bawal na gamot si Carlos­, gaya ng ibang kasamahan niya. Una ay para lang hindi antukin at hindi makaramdam ng nerbiyos sa pag-akyat sa mga poste. Pero nauwi ito sa pagkakalulong niya kaya natanggal siya sa trabaho.

Ipina-rehab ko siya. Nakatulong nang malaki ang pagkakaroon niya ng love life sa loob, dahil nagkagustuhan sila ng isang staff doon. Gumaling siya at bumuo sila ng pamilya.

Pero tatlong buwan na ang tiyan ng manugang ko nang malaglag. Dahil balik-bisyo na si Carlos ay sinuntok niya ang asawa niya sa tiyan nang tumangging magbigay ng pera at ito po ang dahilan kaya nalaglag ang sanggol.

Nagkahiwalay sila dahil mas lumala si Carlos. Kinuha ko siya at sa bahay na namin nakatira. Naging talamak ang pang-uumit niya. Pinayuhan ako ng mga kaibigan ko na isuko siya sa mga awtoridad. Ginawa ko po ito, Dr. Love. Kahit nagpupumiglas si Carlos at humihiyaw, nagpakatatag ako dahil gusto kong bumalik sa normal ang buhay niya.

Sana po kahit paano ay may napulot na makabuluhan ang mga mambabasa ninyo sa kasaysayan ko. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Dulce

Dear Dulce,

Maswerte ang anak mo sa pagkakaroon ng magulang na gaya mo. Tama ka na maging matatag ang mga magulang para sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Salamat sa pagtitiwala mo na ibahagi ang kasaysayan ng buhay mo at natitiyak ko na nakapulot ng inspirasyon dito ang mga readers natin.

 DR. LOVE 

                         

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with