^

Dr. Love

Pakialamerong biyenan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mabiyayang pagbati sa inyo.  Sana ay mabasa ninyo ang aking liham na nasa mabuti kayong kalagayan. Ako naman po ngayon ang may ilalapit tungkol sa biyenan kong pakialamera.  Tawagin mo na lang akong Mimi, 21-anyos.

Isa lamang ordinaryong kawani sa govern­ment office ang asawa kong si Ronnel at laking tuwa ko nang matanggap siya sa isang trabaho sa Canada. Magaling kasi sa computer ang asawa ko at ito’y magandang chance para umunlad ang buhay namin.

Iisa pa lang ang anak namin na 2-anyos na at kung matutuloy siya, madali na ka­ming mapepetisyon.

Nang malaman ito ng mama niya, agad siyang nagpunta sa amin at sinabing hindi raw siya papayag na umalis ang anak niya. Bakit daw hindi sinasangguni. Kaisa-isang anak kasi si Ronnel at mahal na mahal niya.

Kaya nagdadalawang-isip ang mister ko dahil mahal din niya ang mama niya. Pero papaano naman ang aming kinabukasan? Ano po ang gagawin ko para huwag makikialam sa buhay namin ang biyenan ko?

Mimi

Dear Mimi,

Ang mga anak na nagsipag-asawa na ay hindi na dapat pakialaman ng mga magulang. Basta’t hindi masama ang plano, hindi dapat pigilan ng magulang ang ika-aasenso ng mga anak.

Sabihin mo ito sa asawa o dahil ikaw lang ang makakakumbinsi sa kanya. Ipaunawa mo sa kanya ang malaking oportunidad na mawawala sa inyo kung hindi tatanggapin ang trabaho sa Canada.

Dr. Love

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with