^

Dr. Love

Ambisyosa ang nililigawan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na sa pagdating ng sulat kong ito sa iyo ay nasa mabuti kang kalagayan. Tawagin mo na lang akong Sandro, 23-anyos at isang binata. Second year high school lang ang natapos ko at wala akong alam na trabaho kundi magtinda ng karne sa palengke. Maganda naman ang kinikita ko.

Mayaman ang babaeng nililigawan ko. Huwag mo nang sabihin ang pangalan. Siya ay 19-anyos at nag-aaral ng law.

Ang sabi niya sa akin, papatol lang siya sa akin kung ako’y makakapagtapos din ng abogasya. Ganyan siya ka-ambisyosa, Dr. Love. Gusto rin niya na maging milyonaryo muna ako bago niya ako sagutin.

Gaano ko man isipin, imposible ang hinihingi niyang kondisyon dahil ako lang ang nagta-trabaho sa aming pamilya. Ang nanay at tatay ko ay parehong matanda na.

Minsan naiisip ko na sumuko na sa panliligaw sa babaeng ito. Pero mahal ko siya. Ano ang gagawin ko?

Sandro

Dear Sandro,

Ambisyosa nga siya at sorry to say pero, mukhang mata-pobre. Pero ang sinabi niya ay dapat magsilbing hamon sa iyo. Huwag mong maliitin ang pagtitinda ng karne sa palengke. Marami ang yumaman sa ganyang negosyo.

Magsikap ka. Hindi ka man makatapos ng law, alam ko na nasa  iyo ang oportunidad para yumaman. Kapag mayaman ka na, hindi lang isang babaeng katulad niya ang matatagpuan mo.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with