^

Dr. Love

Kursunada ng BFF

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Betsy, 27-anyos, may asawa at isang anak.

Masaya po ako sa buhay may asawa at mahal na mahal ako ng mister ko.

Pero sa kabila nito ay hindi ko maiwasang balikan ang buhay ko noong dalaga pa ako, tung­kol sa itinatago kong pakikipagrelasyon sa isang lesbian.

Una kaming naging mag-best friend ni Jenny noong ako ay first year college. Naging broken­ hearted ako at siya ang naging taga-aliw ko. Naging close kami sa isa’t isa kaya marahil na­ipagtapat niya sa akin ang itinatago niyang lihim sa mga magulang niya, isa po siyang lesbian at kursunada niya raw ako.

Sa totoo lang hindi mo aakalaing may gender preference siya dahil maganda siya at galing­ sa mayamang pamilya.

Tuwing bakasyon, isinasama niya ako sa kani­lang probinsiya. Doon tunay na babae siya at ini­rereto kay Manny. Si Gani naman ang lagi kong kausap. Nagkagustuhan kami at nagta­nan, kahit tutol si Jenny.

Pero nauwi sa pagpapakasal ang dalawa at gaya namin ay may anak na rin sila.

Dahil magbabakasyon na uli, hindi maiwasang magkita kami ni Jenny. Trabahador kasi ni Manny ang asawa ko. Sa palagay n’yo po ba dapat akong makipagkomunikasyong muli kay Jenny? Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy­ na tagumpay ng column ninyo.

Gumagalang

Betsy

Dear Betsy,

Wala akong nakikitang masama sa hangad mo na makipagkomunikasyon sa dati mong best friend. Maliban na lang kung siya ang tumangging makipag-usap sa’yo. Pero magkaganoon man, hayaan mo na lang muna siya. Dahil siguradong darating din ang panahon na magiging okey siya sa iyo at anong malay natin, bumalik ang pagkakaibigan ninyo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with