^

Dr. Love

May relasyon sa amo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please po, itago mo na lang ako sa pa­nga­lang Marrah, nagtatrabaho ako sa Dubai bilang isang secretary. Dalawang taon na akong nagtatrabaho sa isang kompanya rito. May boyfriend ako sa Pilipinas pero hindi ko naman mas­­yadong mahal.

Niligawan ako ng aking boss na isang Arabo at dahil mabait siya at guwapo, sinagot ko siya at magkarelasyon na kami ngayon. Mabait naman siya at hindi niya ginagalaw ang pagkababae ko.

Nakipag-break na rin ako sa boyfriend ko at pumayag naman siya.

Minahal ko siya kahit alam kong may asawa na siya. Sabi niya, puwede naman niya akong pakasalan dahil pwede naman ito sa Islam. Basta raw magpa-convert ako sa relihiyon nila.

Isa po akong Christian at active ako sa mga fellowship namin dito. Hindi ko lang masabi ang aking relasyon sa aking mga kasama.

Dapat ko bang ipagpatuloy ang relasyong ito?

Pagpayuhan mo po ako Dr. Love.

Marrah

Dear Marrah,

Ang desisyon ay nasa sa iyo, Marrah. Pero tandaan mo na bagamat hindi tayo pinipigilan ng Diyos na gawin ang gusto natin, sa bawat aksyong ginagawa natin, naaayon man o labag sa kalooban ng Diyos, ito ay may katumbas na consequence o bunga.

Naging Kristiyano ka na at alam mo na ang kalooban ng Diyos. Hindi ka na dapat patangay sa bugso ng nadarama mo.

Kaya ang maipapayo ko sa iyo ay pagbulayan mong mabuti ang kalagayan mo at magpasya ka: Ang kalooban mo o ang kalooban ng Diyos?

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with