^

Dr. Love

Mama’s boy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo at sa lahat ng mga sumusubaybay sa Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Gina, 24-anyos.

Mayroon akong kasintahan na nakilala ko nang minsang mag-outing kami sa beach ng aking mga ka-opisina. Pinsan siya ng aking officemate at best friend.

Tawagin mo na lang siyang Ed, 20-anyos. Matanda ako ng halos apat na taon.

Mahal ko sana siya pero may natuklasan akong ugali niya na tinabangan tuloy ako. Nang minsang ipakilala niya ako sa nanay niya sa kanilang bahay, napuna ko ang pagiging mama’s boy niya.

Pinuna ng nanay niya ang suot niyang t-shirt at sinabing “pangit iyan. Magpalit ka.” Agad namang sumunod si Ed.

Kahit sa harap ko ay sinisinghalan si Ed ng kanyang nanay at naawa ako sa kanya dahil hindi man lang siya makasagot kahit nasa katuwiran siya. Kahit naawa ako sa kanya, ayaw ko sa ganyang lalaki. Mula noon ay tinabangan ako sa kanya at napansin niya ito.

Tinatanong niya ako kung bakit malamig ako. Pero ayaw kong sabihin ang dahilan. Gusto ko nang makipag-break. Tama ba, Dr. Love?

Gina

Dear Gina,

You are unfair, Gina. Agad kang makikipag-break na hindi mo sinasabi ang dahilan?  Baka naman mataas lang ang paggalang niya sa kanyang ina kaya ganun siya. Bigyan mo siya ng chance na maidepensa sa iyo ang kanyang sarili.

Masyadong mababaw ang dahilan kung makiki­pagkalas ka dahil lamang sa ugaling hindi mo naibigan. Puwede namang magbago ang tao kaya bigyan mo siya ng chance.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with