^

Dr. Love

May asawa ang ka-affair

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang bachelor na malapit nang mag-40-anyos. Nagkaroon na ako ng tatlong beses na seryosong love affair pero pawang nauwi sa wala ang mga ito  dahil ayaw nilang magpakasal sa akin.

Hindi ko po alam kung nasa akin ang problema o talagang ang mga napili kong mga karelasyon ay hindi mga marrying type. May matatag naman akong hanap-buhay at kung ang pag-uusapan ay pagiging mabuting lover, tiyak ko namang isa akong responsable at mapagmahal na lover.

Pagkatapos ng tatlong failed love affairs, muli po akong umibig pero sa babaeng may asawa na. Officemate ko po si Christine at mas bata siya sa akin ng limang taon. Seryoso po ako sa kanya at ganon din daw siya sa akin.

May problema siya sa kanyang asawa, dahil hindi sila magkaanak. Dr. Love, gusto ko nang magsama kami bilang mag-asawa. Pero ayaw niyang hiwalayan si Daniel.

Nitong huli, tumanggi na siyang maki­pagkita sa akin. Kailangan daw niyang mag-lay low dahil nagkaroon ng sakit sa puso ang asawa niya at ayaw niyang makadagdag. Gusto niyang mag-cool off muna kami hanggang gumaling ang mister niya.

Iniisip ko pa lang ang tungkol sa pagko-cool off ay hindi ko na matagalan. Plano ko ngayong humanap ng ibang lover pero si Christine pa rin ang laman ng puso ko. Sa palagay mo ba, Dr. Love may patutunguhan pa ang love affair namin ng babaeng mahal ko?

Gumagalang,

Rodelio

Dear Rodelio,

Straight talk lang, wala. Dahil sa mata ng tao, lalo na sa mata ng Diyos, mali ang makipagrelasyon sa asawa nang may asawa. Kaya supilin mo ang damdamin mo kung ayaw mong malagay sa alanganing sitwasyon. Sakaling nagsasabi ng totoo tungkol sa kanyang mister ang girlfriend mo, kakayanin mo bang mamatay ito sa matinding sama ng loob dahil sa pagtataksil ng kanyang asawa? O anong malay mo, gaya ng panloloko ni Christine sa kanyang asawa ay niloloko ka na rin niya? Kaya mag-isip-isip ka. Marami namang single and ready to mingled, bakit pipiliin mo ang taken na?

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with