^

Dr. Love

Hinahabol

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maganda at pinagpalang araw sa inyo. Tawa­gin n’yo na lang akong Saul, 35-anyos at ikaw lang ang naisip kong makapagbibigay ng payo sa akin sa mabigat kong problema.

May asawa ako. Tawagin mo na lang siyang Iris at limang taon na kaming kasal. Sa loob ng mga panahong iyan ay nagsumikap ako sa aming negosyo na napalago ko at ngayo’y maganda ang aming buhay sa piling ng aking dalawang anak.

Noong teenager pa ako, may girlfriend ako. Tawagin mo na lang siyang Beth. Minor de edad kami noon pero nagtanan kami at nagpa-secret marriage sa isang pastor. Hindi naman ginanap sa loob ng simbahan ang kasal kundi sa isa lang puwestong inuupahan ng pastor. Hindi rin ako sigurado kung siya ay tunay o peke, basta may pangalan lang siya sa labas at nakasulat na siya’y nagkakasal.

Dinaya namin ang aming mga edad para kami maikasal sa tulong ng ilang kakilala.

Ngayon po ay naghahabol ang dating girlfriend ko na bitbit ang aming marriage contract. Idedemanda raw ako. Ano gagawin ko?

Saul

Dear Saul,

I-check mo sa NSO kung may record doon ang inyong kasal. Palagay ko ay wala. At kung naroroon man, natitiyak kong ito’y mawawalan ng bisa dahil mali ang idineklara ninyong edad. Maaaring hinahabol ka ng ex mo dahil naba­litaan niya na maganda na ang iyong kabuhayan. Magsiyasat ka muna.

Maraming ganyang mga kaso ng mga mapupusok na kabataan na walang muwang kung ano ang ibig sabihin ng kasal.

Kung minsan, may mga abogado o pastor “kunu” na yan ang trabaho. Nagkakasal ng peke para kumita. Karaniwan, hindi naman ipinapasa ito sa NSO kaya iyan ay hindi balido.

Kaya tingnan mo muna kung nai-forward sa NSO ang record ng inyong kasal.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with