^

Dr. Love

Buuin muli ang pamilya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Halos sampung taon na po kaming hiwalay ng aking asawa mula nang iwanan niya kaming mag-iina para pakisamahan ang babae niya.

Sa buong panahong hibang na hibang pa siya sa kanyang batang kalaguyo, hindi man lang siya nakaisip na dalawin ni-kamustahin kami ng dalawa niyang anak.

Masama po talaga ang loob ko dahil regular ang sustento niya sa kanyang mga magulang at kapatid, kami na kanyang pamilya ni-singkong duling ay hindi nakatanggap.

Salamat na lang at may trabaho ako at nagmamalasakit na pamilya na matatakbuhan kung masaid ng husto.

Isang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa aking biyanang babae. Na-stroke raw si Dado sanhi ng komplikasyon niya sa diabetes, kaya naospital sila. Kahit labag sa kalooban ko ay tumango akong dadalaw kaming mag-iina.

Umiiyak na yumakap ang mga bata sa payat na payat na nilang ama. Nalaman ko na pwede nang lumabas si Dado, kaya lang kulang ang pambayad sa ospital. Hiniling ng aking biyanan na mag-ambag ako sa P250,000.00 bill.

Sa kabila ng lahat, umiral pa rin ang awa ko, Dr. Love sa ama ng aking mga anak ay pumayag ako. Ang tanging tinanggihan ko ay ang iuwi nila sa aming bahay si Dado.

Magkaganon ay pumayag naman akong regular na sunduin ang bata tuwing Sabado at ihatid kinabukasan. Pero nitong huli ay nakikiusap ang aking mga anak na sa aming bahay na tumira ang kanilang ama. Tutol po ako, Dr. Love dahil ayaw ko nang makipagbalikan kay Dado. Tama po ba ang kalooban ko? Kung hindi, ano ang dapat kong gawin?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Divina

Dear Divina,

Para sa akin, kung hihingi ng tawad ang asawa mo at mangakong magbabago, patawarin mo. Hindi lahat ng pamilyang nasira ay nagkakaroon ng pagkakataong mabuo. Nasa harapan mo na ang pagkakataong iyon. Huwag mo sanang palampasin kung tunay na isinasaalang-alang mo ang kapakanan ng iyong mga anak. Bigyan mo ng pangalawang tsansa na mabuo ang pamilya na kailangan nila.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with