^

Dr. Love

Aasa ba sa pangako?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na po kaming magkarelasyon ng dati kong pen pal, na nakilala ko lang sa isang website.

Nasa Amerika po si Alden. Doon ipinanganak ng Pilipina niyang ina habang ang ama niya naman ay Amerikano pero may lahing Italyano. Nawiwili akong makipag-chat sa kanya dahil malalim ang pang-unawa niya sa mga bagay-bagay.

Ang sabi niya, Pilipina ang gusto niyang mapa­ngasawa, gaya ng kanyang ina na naging mabuting ina ng tahanan. Gusto niya rin daw na ang kinamulatang tradisyon at mga kaugaliang Pilipino kaya kung pakakasal siya ay sa isang Pinay.

Hindi ikinahihiya ni Alden na kinakailangan niyang huminto sa kolehiyo para magtrabaho at mapag-ipunan ang kanyang pampaaral sa sarili. Alam kong hindi biro ang hirap at pagod na kinakaharap niya, Dr. Love.

Kaya kahit na minsan ay hindi niya nasasagot ang mga tawag ko o kaya’y pinuputol niya ang pag-uusap namin para makapagpahinga ay ok lang sa’kin. Kung umaga sa Pilipinas ay gabi naman sa Amerika.

Sadyang hindi po madali ang long distance relationship. Kapag nakikita ko ang pinsan ko at ang boyfriend niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Gusto kong tawagan agad si Alden para mawala ang lungkot ko. Pero ang sabi niya tiwala, pasensiya at tiyaga ang kailangan namin.

Sa susunod na taon kapag sapat na ang ipon niya ay bibisitahin raw niya ako para mas magka­kilala kami. Kahibangan po ba kung umasa ako sa pangakong ito ni Alden o dapat na akong makipagkalas sa kanya? Payuhan mo po ako.

Salamat in advance sa payo ninyo at God bless you always, Dr. Love.

Gumagalang,

Betsy

Dear Betsy,

Kung sa palagay mo ay may aasahan ka at wil­ling kang maghintay, sa palagay ko walang problema. Pero kung hindi sapat ang tiwala mo na tutupad siya sa kanyang pangako, walang dahilan para umasa ka. Ikaw lang ang makakapagpasiya sa bagay na iyan, dahil kayo ang nagkakausap. Para sa akin, mas mainam na kilalanin ng personal ang isang tao, lalo na kung prospect mo siyang maging lifetime partner.

DR. LOVE

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with