^

Dr. Love

Paano maibabalik ang seguridad?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Lumaki ako at nagkamalay sa ampunan matapos abandunahin ng sarili kong mga magulang. Pero nanatiling mabuti ang Diyos dahil mabait na mag-asawa ang kumupkop sa akin.

Nakatapos ako ng business management course at nakapagtrabaho sa magandang kumpanya. Dito ko nakilala ang misis kong si Menchu, maganda ang pagsasama namin sa mga unang taon bilang mag-asawa pero habang tumatagal ay masyado siyang nagiging selosa.

Aaminin ko po na minsan akong nagkamali at nagkaroon ng relasyon sa aking officemate pero pinagsisihan ko na ang bagay na ito. Kasama ko sa opisina si misis at maraming pagkakataon na pinagseselosan niya ang iba pa naming­ ka­opisina na nakikita niyang madalas kong kausap.

Mahal ko po ang misis ko pero kahit na nag-usap na kami, humingi na ako ng tawad at pinatawad na niya ako, nananatili ang multo sa isip niya. Nagiging madalas itong ugat ng pagtatalo namin, na kung minsan na umaabot sa pisikalan.

Ngayon po ang dati kong kasama sa ampunan, na pinasok ko sa kumpanya ang nakikita niyang madalas kong kausap. At kahit pa mas bata ng 10 taon sa akin si Zandra ay nagseselos siya.

Ang sabi ni Menchu, iba ang nakikita niya sa body language ni Zandra. At kung kaibigan lang daw ang turing ko, hindi raw ganon ang dating ng pakikitungo nito. Babae raw siya, kaya alam niya ang galaw ng babaeng higit sa pagkaka­ibigan ang pakay.

Sa palagay n’yo po ba may katwiran si Menchu­, Dr. Love? Paano po ang dapat kung gawin para maibalik ang seguridad ng misis ko sa aming pagsasama, tulungan po ninyo ako. Maraming salamat!

Edmar

Dear Edmar,

Maihahalintulad sa babasagin ang tiwala, na kapag nabasag ay hindi basta maibabalik. Kailangan ang proseso ng pagtunaw sa mga bubog sa nagbabagang apoy, paglalagay nito sa molde, muling pagpapalambot sa apoy bago matamo ang ideyal na hugis nito. Maitutu­ring na unang hakbang ang paghingi ng tawad bilang pagkilala sa iyong naging pagkakamali. Pero dahil naging kahinaan na ng asawa mo ang sitwas­yong napapalapit ka sa ibang babae, tulungan mong mabuo muli ang seguridad niya sa parteng ito. At hindi iyon nangyayari sa isang iglap. Consistency ng katapatan, sinseridad at pagbibigay ng importansya ang mahalagang sang­kap nito. Bagay na dapat mong pagsikapan para manumbalik ang kumpiyansa niya sa iyo.

DR. LOVE  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with