^

Dr. Love

Nagbago si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Walong taon po kaming nagsama ni Dexter bilang mag-asawa at sa kauungot ko sa kanya, nagpakasal na kami sa wakas para bigyang daan ang pagnanais kong magkaroon kami ng anak.

Hindi pa naman marahil huli ang lahat para sa amin dahil ako ay 35-anyos pa lang, healthy habang si Dexter ay mag-40 years old.

Mahal ko ang aking asawa at naniniwala ako na ganoon din siya sa akin, gaya ng sinasabi niya. Pero bigla po siyang nagbago, Dr. Love. Ayaw na niyang sumiping at bumukod pa ng tulugan sa kabilang silid ng aming tinitirahang condo.

Ginagawa ko na po ang lahat para maakit siyang lumipat ng higaan kung gabi. Nagpapatugtog ako ng soft at sweet music, nagsusuot ako ng magagandang lengerie pero wala po itong effect sa kanya.

Hindi naman siya nagkukulang ng intrega sa pinaghahatian naming mga bayarin. Tumatawag naman siya sa akin kung gagabihin ng uwi o kung kinakailangan niyang mag-overtime sa opisina tulad ng dati.

Natatakot akong magtanong at baka ang sabihin niya ay may iba na siyang babae. Pero ayaw ko namang magpatuloy ang pagsasama namin kung hindi rin lang kami magkakaanak. Hindi po ba ang pagbuo ng pamilya ang dahilan ng pag-aasawa?

Ano po ang mabuti kong gawin, Dr. Love? Hihintay ko po ang inyong kasagutan. Mara­ming salamat po sa payo at pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Elinita

Dear Elinita,

Hindi mo malalaman ang katotohanan kung hindi mo kakausapin ng puso sa puso ang mister mo. Sakaling makumpirma mo ang kawalan ng tsansang magkaanak kayo, makakabuting sumangguni ka sa abogado. Pero unahin mong kumbinsihin ang asawa mo na hingin ang gabay ng doktor para matupad ang pangarap ninyong magkaroon ng anak.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with