^

Dr. Love

Nagbago ng sex preference

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa iyo sa pag-asang matutulungan mo ako sa aking problema.

Tawagin mo na lang akong Mandy, 20-anyos at isang binata. May girlfriend ako na kaklase ko sa college.

Mula pa sa high school ay nagkaroon na ako ng tatlong ibang girlfriend.  Wala sa aking isip na darating ang araw na magiging ganito ang aking damdamin. Labis kong ipinagtataka na ako na binansagang playboy noong araw ay magkakaganito.

Nais ko lang itanong sa iyo kung normal ba sa isang ever since ay tunay na lalaki na magkaroon ng damdamin ng isang gay? Ayaw kong mangyari sa akin ito at katunayan, naiinis ako sa mga bading noong araw lalo na nang ligawan pa ako ng isa na agad kong binasted.

Pero bakit mukhang nabaliktad ang damdamin ko ngayon?

Kasi ay nagkaroon ako ng bagong kaklase sa isang subject na guwapo at sa loob-loob ko ay attracted ako sa kanya.

What should I do?

Mandy

Dear Mandy,

Ngayon lang ako nakarinig ng kaso mo at aaminin ko na wala akong expertise para ipaliwanag ang ganyang damdamin.

Makabubuti na sumangguni ka sa isang clinical psychologist na siyang makapagbibigay sa iyo ng tamang counseling.

Ang masasabi ko lang ay ang opinion ko na hindi sumasang-ayon sa homosexual relations. Maging madasalin ka at itaas mo sa Panginoon ang iyong problema at naniniwala akong tutugon siya sa iyong panalangin.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with