^

Dr. Love

Ligawan muna bago magpakasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko ma-gets ang girlfriend kong si Jasmine. Mahigit sa isang taon na kaming nagde-date, nag-o-overnight stay sa mga inn at lodge kung ginagabi ng uwi mula sa out of town trip, tapos gusto niyang ligawan ko pa siya bago raw siya magpakasal sa akin.

Sure ball na ako na gusto ko siyang ma­ging misis, kaya inalok ko siya ng kasal. Kung 'yung iba naglulundag sa tuwa at mapapayakap pa kapag inalok ng kasal ng kanilang boyfriend, si Jasmine ay nagduda kung talagang siya ang babaeng pakakasalan ko.

Wala raw kasing ligawang nangyari sa amin. Tuksuhan lang at nang akbayan ko siya, kami. Ni-hindi raw niya narinig ang salitang I love you mula sa akin.

Ligawan ko raw muna siya para maranasan naman namin ang pakiramdam na ‘yun, saka siya magpapakasal. Ang problema ko, hindi ko alam kung paano magsisimula. Tulungan po ninyo ako, baka masulot pa ko. Hihintayin ko ang mahalaga ninyong payo.

Gumagalang,

Roldan

Dear Roldan,

May katagalan na rin kayong magkarelasyon at sa palagay ko, sa mga lumipas na taon ay mas kilala mo na siya. Marahil alam mo na ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Dun ka magsimula.

Kumilos ka at pakiligin ang girlfriend mo sa lalong madaling panahon at baka nga mangyari ang pangamba mo na may makilala siyang romantiko at magkaroon ka ng kaagaw sa atensiyon niya.

DR. LOVE   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with