^

Dr. Love

Totoo ang tsismis kay Dolor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Naging malapit kaming magkaibigan ni Dolor kahit magkaiba kami ng dibisyon sa pinapasukang kumpanya. Balot ng tsismis ang buhay ng kaibigan kong ito at minsan na rin na inilayo niya ang sarili sa akin nang magtanong ako tungkol sa mga tsismis sa kanya.

Pareho kaming may asawa ni Dolor. Ako ay may tatlo nang anak habang sila ng kanyang asawa ay dalawang taon nang nagsasama bilang mag-asawa. Ako ang naging takbuhan niya kapag may problema sila ng asawa niya sa pinansiyal o kaya’y kailangan niya ng mga payo na kaugnay sa pagkakaroon ng anak.

Madalas, sabay kaming kumain sa tanghalian. Marami ang nagtataka kung paano kami naging malapit sa isa’t isa ni Dolor gayung may katarayan siya kaya bibihira lang ang kumakausap sa kanya sa kanilang dibisyon.

Minsan na rin may lumapit sa akin at sinabi ang tsismis tungkol kay Dolor at sa kanyang boss. Executive secretary siya ng kanyang bisor at halos araw-araw daw ay biglang nawawala ang dalawa bago mag-uwian.

Gusto kong depensahan si Dolor, bilang kaibigan sa lahat ng tsismis kaya inusisa ko siya. Pero ikinagalit niya ito at inilayo ang sarili sa akin. Hinayaan ko lang siya. Hanggang sa makita na lang ng lahat ang paglobo ng kanyang tiyan. May nakakita na rin na nasa maternity clinic siya pero hindi ang asawa, kundi ang bisor ang kanyang kasama.

Lalong tumibay ang paniniwala ng marami nang lumalaki ang bata na kamukha ng bisor ni Dolor. Pero ako, pinili kong magpatay-malisya para hindi na makapagsalita ng ikagagalit niya.

Pero ngayon po na magkumare na kami at kumpare ko na ang mister ni Dolor, sakaling magka-aberya, may pananagutan po ba ako sa kanilang mag-asawa kung ititikom ko lang ang bibig ko sa tuloy pa rin na pakikipagrelasyon ni Dolor sa kanyang bisor?

Pagpayuhan po ninyo ako, maraming salamat po.

Gumagalang,

Ruby

Dear Ruby,

Bibihira na ang kaibigang gaya mo na may tunay na malasakit sa kapwa. Para sa akin,ang magagawa mo lang ay paalalahanan ang kumare mo. Kung hindi siya makikinig, anong magagawa mo? Siya ang magdedesisyon para sa kanyang sarili. Isama mo na lang lagi sa prayer mo ang kaibigan mo, para ang Diyos na ang bahalang tumapik sa kanya para itama ang mga pasya niya.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with