^

Dr. Love

Too Young

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Wendy. Sabi ng iba, napakabata ko pa raw para umibig dahil 14-anyos pa lang ako. Magse-second year pa lang ako sa pasukan at mayroon na akong boyfriend na second year college.

Kapitbahay namin siya. Maliit pa ako ay binibiru-biro na niya ako at kuya ang tawag ko sa kanya.

Pero nang maging dalagita ako ay niligawan na niya ako. Umibig naman ako sa kanya kahit binabawalan ako ng mga parents ko, ang sabi bata pa raw ako.

Ang tanong ko po ay wala pa ba akong karapatang umibig sa edad na ito? Mabait naman ang boyfriend ko at kung mag-date man kami, puro pasyal at kain sa labas. Manood man kami ng sine ay nakaakbay lang siya sa akin at hindi ako hinahalikan.

Dapat ko bang sundin ang gusto ng parents ko na layuan muna siya dahil bata pa ako?

Wendy

Dear Wendy,

Ikaw ay isang menor de edad pa kaya ingatan mo ang iyong sarili. Sa pagkakala­rawan mo sa iyong boyfriend ay tila mabait at responsable naman siya.

Huwag lang kayong lalampas sa boundary. Tama na ‘yung pamamasyal at kain sa labas. Pero ‘yung panonood ng sine ay nadadarang kayo pareho sa tukso kahit pa sinasabi mong hindi ka naman hinahalikan. Ang tanong ay hanggang kailan?

Mas mabuti kung sa bahay ninyo ka niya dadalawin nang madalas at nakikita ng mga magulang mo.

Marahil, makikita ng iyong magulang na isa siyang responsableng lalaki at marunong gumalang sa iyong pagkababae.

Dr. Love

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with