^

Dr. Love

Malim na galit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mabiyayang pagbati sa iyo at sa ‘di mabilang mong tagasubaybay, Dr. Love. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat ko.

Tawagin mo na lang akong Carmie, 21-anyos­. Balak na naming magpakasal ng boyfriend ko ngayon taon. Ang problema po ay sukdulan ang pagtutol dito ng tatay ko kahit na payag naman si nanay.

Ang dahilan, Dr. Love ay ang matinding galit ni tatay sa ama ng boyfriend ko. Dahil sa pang-aagaw raw nito sa dati niyang girlfriend. Ang sabi pa ni nanay, mula elementary ay matalik nang magkaibigan ang dalawa.

Minsan ay tinangka kong kausapin si tatay at sinikap kong pakinggan niya ako na patawarin na lang niya ang papa ni Ferdie. Pero nagalit siya ng husto dahil hinding-hindi niya raw ito mapapatawad.

Nagbanta po ang tatay ko sa nanay ko, na kung hahayaan kaming magpakasal ni Ferdie ay hihiwalayan niya raw siya.

Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko, Dr. Love at nararamdaman kong ganon din siya sa akin. Pero mahal ko rin po ang mga magulang ko, naiipit po ako sa sitwasyon. Dahil hindi ko naman kakayaning magkasira ang mga magulang ko kung ipipilit namin ni Ferdie ang magpakasal.

Ano po ang gagawin ko?

Carmie

Dear Carmie,

Nakakalungkot isipin na pinakitid ng matin­ding galit ang tatay mo dahil sa pangyayari na matagal nang lumipas. Sa totoo lang, dahil nasa hustong gulang ka na ay nasa iyo na ang karapatan para magdesisyon para sa sarili mo. Ang ta­nging bahagi na lang ng magulang sa ganitong sitwasyon ay mangaral. Pero dahil sa banta ng tatay mo ay mahirap magpasya.

Marahil ang pinakamabuting gawin ay magtu­lungan kayong palambutin muna ang puso ng iyong tatay. Pabisitahin mo ang boyfriend mo nang madalas sa inyong bahay para may pagkakataon na magkausap at makilala rin siya ng tatay mo.

Lagi n’yo ring isama sa inyong dasal ang iyong tatay, wala namang imposible sa Diyos at siya ang tiyak na makakapagpabago sa puso ng iyong ama. Anong malay mo, bukas ay mag-iba na ang ihip ng hangin.

DR. LOVE

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with