^

Dr. Love

Pikon ang girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Sana, lagi kayong nasa mabuting kalagayan.

Ihihingi ko po ng payo sa inyo ang tungkol sa sitwasyon namin ngayon ng girlfriend kong si Charmie. Masyado po kasi siyang pikunin habang ako naman ay mapagbiro.

Sa mga naging tampuhan namin, medyo seryoso po nitong huli. Iniwan niya ako sa mall at umuwing mag-isa. At ang dahilan ay ang pagbibiro ni Uncle Martin nang makasalubong namin sila ni auntie sa mall.

Ang biro po ni uncle ay kung nagsawa na raw ba ako sa dati kong kasama nung sila ay mag-anniversary ni auntie. Dahil nakangiti si Charmie nang sabihin iyon ni uncle, akala ko adjusted na siya.

Pero nang makaalis na sila auntie ay saka siya nagmaktol. Bigla raw sumama ang pakiramdam niya kaya huwag  na kaming manood ng sine at iuwi ko na lang siya. Hindi ako pumayag, Dr. Love kaya ayun iniwan ako.

Hinayaan ko siya at nagbakasyon ako sa probinsiya namin. Doon ay nagkita uli kami ni May. Parang nakakatandang kapatid ko siya na madalas nangangaral sa akin. Naikwento ko sa kanya ang sitwasyon namin ni Charmie at ang sabi niya, huwag ko raw pamihasain ang pagkapikon ng girlfriend ko, dahil ang pamilyang pinanggalingan ko ay sadyang palabiro.

Paano nga po ba mababago ang pagiging pikon ni Charmie? Alam kong hindi ko matitiis na magkasira kami dahil lang sa pagiging pikon niya. Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Paulo

Dear Paulo, 

Maraming paraan para mawala ang pagiging pikon ng isang tao. Marahil, antimano ay sabihan mo siya na ikaw at ang pamilya mo ay sadyang mahilig magbiro.

Pangalawa, kailangang mapanatili mo ang tiwala ng nobya mo sa tibay ng pagmamahal mo sa kanya. At marahil, dapat mo ring sabihan ang pamilya mo na pikon si Charmie at iwasan sana ang pagbibiro kung kaharap siya. Nasa bukas na komunikasyon lang ang susi sa ganap ninyong pagkakaunawaan.

DR. LOVE                                                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with