^

Dr. Love

Sustento sa biyanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noon pong buhay pa ang asawa ko, obligado siyang magbigay ng buwanang sustento sa kanyang ina na inaalagaan ng isa niyang kapatid sa probinsiya.

Ang sustentong ito ay bukod pa sa ipinadadala ring sustento ng dalawa pa niyang kapatid na nakapangasawa ng mga dayuhan sa abroad.

Bilang asawa, hindi ko naman ipinagdadamot sa aking in-law ang tulong na ibinibigay ng ­aking asawa kahit na dumaranas na rin kami ng kagipitan sa pera dahil nasa kolehiyo na ang tatlo naming mga anak.Ni minsan ay hindi ako nagsalita sa aking asawa na sana bawasan niya ang itinokang allowance para sa kanyang nanay.

Kahit na nga noong nasa ospital pa ang asawa ko nang atakihin sa puso, hindi pinalampas ng hipag ko ang paniningil sa akin ng tokang allowance ng asawa ko sa kanyang nanay.

Malaking halaga ang nagastos namin sa pagpapagamot ng asawa ko pero talagang hanggang doon na lang ang buhay niya. Sa awa at tulong ng Panginoon, napunan naman ang lahat ng gastos hanggang sa mailibing ang mister ko.

Ang masakit nito Dr. Love, isang buwan pa lang nalilibing ang asawa ko nang dumating ang hipag ko sa aming bahay at hinihiling na partihan namin sa nakuhang separation pay at pension sa SSS kung saan beneficiary ang kanilang ina.

Gusto ko pong atakihin noong mga oras na iyon at ipamukha sa kanya na binago na ng asawa ko ang kanyang mga beneficiaries nang magkaasawa na siya at magkaanak. Isa pa, wala pa kakong pensiyon ang asawa ko dahil wala pa naman siya sa retirement age.

Umalis ang hipag ko na nagngangangawa dahil wala siyang nakuhang pera mula sa akin. Pinutol ko na ang pagbibigay ng allowance ng nasira kong mister sa aking biyanan dahil wala akong mapagkukunan noon. Pinagkakasya na lang namin sa lahat ng gastusin ang kinikita ko. Ano po ba ang dapat kong gawin sa ganitong klaseng kamag-anak ng asawa ko? Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Elinita

Dear Elinita,

Hindi ka naman nila maoobligang tumulong kung talagang wala kang pera. Pero kung makabangon ka na, kahit paminsan-minsan ay abutan mo bilang respeto sa iyong biyanan.  Isipin mo rin na mas mabuti ang nagbigigay kaysa tumatangap

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with