^

Dr. Love

Prenuptial agreement

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal na rin pong isang kalakaran dito sa atin ang pagkakaroon ng prenuptial agreement ng magkasintahan bago pakasal para makatiyak na hindi ang ari-arian ang siyang habol ng alin mang panig sa pagpapakasal.

Para sa akin, okey lang ang ganitong kasunduan. Pero tinutulan ito ng boyfriend kong si Noel na naging dahilan ng pagkaunsiyami ng aming pagpapakasal at nauwi sa tuluyang paghihiwalay.

Tinanggihan ni Noel ang paglagda sa prenuptial agreement dahil pagpapakita raw ito ng kawalang tiwala sa kanya ng aking pamilya. Ang sabi naman ng mga magulang ko, ang ginawa ng boyfriend ay pagpapatunay na hindi talaga niya ako mahal.

Nagdamdam ako kay Noel, hinayaan ko siya sa kanyang sinaunang paniniwala. Pero masakit po na iwanan ng lalaking minamahal dahil lang sa kanyang prinsipyo.

Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Dapat ko ba siyang amuin para ako ay balikan o hayaan ko na lang siya at maghanap na lang ako ng iba?

Gumagalang,

Thelma

Dear Thelma,

Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang personalidad at paniniwala. Sa sitwasyon ninyo ng iyong nobyo, magkaiba kayo ng paniniwala sa bagay na maituturing major issue. Para sa akin, mahalaga sa isang relasyon na tumutugma ang paniniwala ng bawat isa, lalo na sa major issue na nangangailangan ng desisyon. Dahil kung hindi, pagmumulan ito ng hindi pagkakaunawaan, hindi lamang sa pagitan ng magkarelasyon kundi ma­ging sa ma partido ninyo.

Naniniwala ako na kung hindi magkakaroon ng puwang ang pagkakaunawaan sa inyong dalawa ng nobyo mo, mas makakabuti na magkani-kaniyang landas na kayo at hanapin ang kapareho na kasundo ng paniniwala na meron kayo.

DR. LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with