^

Dr. Love

Hanggang pangako lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 27 years old, taga-Cavite, waitress sa restaurant kung saan ko nakilala si Larry, isang taxi driver na tulad ko ay nagsisikap na makaahon sa hirap.

Nagkaibigan kami at nagkasundong mag-live in muna bago pakasal sa sanda­ling handa na kaming magkaroon ng pamilya.

Limang taon kaming nagsama ni Larry kahit tutol ang pamilya ko. Isang umaga ay ipinagtapat niya sa akin na gusto na niyang umuwi sa kanilang probinsiya sa General Santos City. Isasama niya raw ako kung gusto ko at doon na kami magpapakasal at bubuo ng sariling pamilya.

Tinutulan ito ng nanay ko. Dahil sa kahit anumang kagipitan, maigi raw na malapit sa kamag-anak. Pero dahil mahal ko ang aking ka-live in, sinuway ko si nanay at sumama sa kanya.

Magtatatlong taon na kami sa GenSan pero nananatiling pangako ang lahat ng sinabi ni Larry. Lungkot na lungkot na po ako dahil malayo ako sa aking pamilya. Iniisip ko po kung anong klaseng kinabukasan ang naghihitay sa akin. Mag-40 anyos na si Larry pero ayaw niya pa rin kaming magkaanak.

Ayaw niya raw matulad sa mga kapatid niya na hirap na hirap sa buhay at maraming anak. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Delsa

Dear Delsa,

Sobra-sobra na ang pagkakataong ibinigay mo sa iyong ka-live in para tuparin ang mga ipinangako niya. Tama lang na mag-isip-isip ka na. Unang-una, ikaw ang lugi sa relasyong meron kayo.

Pangalawa, kung tunay ang pagmamahal ng ka-live in mo sa’yo, iisipin din niya ang damdamin mo. Lalo na ang puntong nalayo ka sa iyong pamilya alang-alang sa kanya.

Pero sad to say, mukhang hanggang pangako lang ang lahat. Kaya kumilos ka kung ayaw mong panghinayangan mo na lang habang buhay ang sarili mo.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

CAVITE

DAHIL

DEAR DELSA

DR. LOVE

GENERAL SANTOS CITY

NIYA

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with