^

Dr. Love

Nag-ampon tapos iniwan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nag-ampon ang isa kong kapatid at iniwan sa pinagkakatiwalaan niyang kaibigan. Puma­yag ito sa pangakong pasusunurin ang bata sa Amerika. Pero hindi ito nangyari, kaya sa’kin bumagsak ang bata.

Napilitan po akong kunin si Portia kay Marisa, na isang taon din nangalaga sa kanya. Dahil siya naman ang kailangang mag-abroad papun­tang Dubai. Tutol po ang asawa ko sa aking­ ginawa dahil hirap na kami sa mga gastusin at ang isa pang batang bubuhayin ay talagang mas­yadong mabigat na para sa amin.

Gayunman, nanatili sa akin ang bata. At bilang ninang sa binyag ay nagdoble sikap ako para mapa-enroll siya sa public school na malapit sa amin. Habang tumatagal ay doon ko nakikita ang problema. Nangungupit ng pera si Portia, laging gusto na nasa labas ng bahay kasama ang mga kabarkada niya at hindi kuma­kain kapag hindi niya gusto ang ulam.

Talaga pong nangunsumi ako, kaya nagpasaklolo ako sa iba ko pang mga kapatid. Pero kalaunan ay naging problema din nila ang bata.

Nasa high school na si Portia nang maglayas at sumama sa isang tomboy. Nalaman ito ng kapatid ko na nasa Amerika at sinisisi niya ako sa nangyari sa kanyang ampon. Hanggang ngayon ay hindi po niya ako kinikibo.

Mabigat po ang kalooban ko at gusto ko lang ihinga ang bagay na ito sa inyo. May pananagutan ba talaga ako sa mga nangyari, Dr. Love? May sarili po akong pamilya at madalas ding wala sa bahay dahil kailangan ko rin kumayod para maitaguyod sila.

Maraming salamat po sa column ninyo.

Gumagalang,

Mrs. Dianzon

Dear Mrs. Dianzon,

Maaaring may bahagi ka ng pananagutan. Pero para sa akin ang pinaka-responsable ay ang kapatid mo. Dahil siya ang nagprisintang maging magulang pero hindi niya nagampanan ‘yun. At sa mahabang panahon ay nakaramdam ng kakulangan ang bata, na maaaring na­ka­apekto sa personalidad na meron siya ngayon.

Hayaan mo lang ang kapatid mo, mare-rea­lize­ din niya ang lahat sa takdang panahon.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

AKO

AMERIKA

ANG

DAHIL

DR. LOVE

DUBAI

MRS. DIANZON

PERO

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with