^

Dr. Love

Nobyembre 22, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Sa lahat ng gawain, sikapin na maparangalan ang Diyos na pinagkakautangan mo ng buhay.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali, para maituwid kaagad nang hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 40, 43 at neon green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang kamag-anakan ng magkabilang panig. Magdalawang-isip ka kung may tutol sa iyong pakikipagrelasyon dahil kung magkakatuluyan, ang hangad na grasya sa pagsasama ay magiging disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 33, 37 at sky blue.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang madalas mong reklamo ay makakaapekto sa pagganap mo sa iyong tungkulin. Mas makakabuting  direktang sabihin ang problema sa nakakataas para maging legal ang basehan. Tiyakin na may matibay na dahilan kung bakit nagrereklamo para hindi makapalag ang inirereklamo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 30, 40 at blue.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon sa ikauunlad o ikakabuti ng negosyo, pinansiyal o personal. Magpasalamat dahil may kaibigan, magulang o kasamahan ang nagmamalasakit. Huwag bigyan ng masamang kahulugan ang sasabihin sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 34, 39 at green.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kung may tinatago, iwasan ang magkuwento sa iba dahil tiyak hindi mapigilan na maraming makakaalam. Dahil ipagkakalat ito ng iyong mapagsusumbungan. Magiging mapaghinala ang minamahal kaya mag-ingat sa pakikipag-usap sa iba. Hangga’t maaari, iwasan ang  makipag-usap sa telepono. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 32, 33 at red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang maganda, itikom ang bibig. Huwag magtsismis para hindi mabaon sa utang. Sarilihin ang nakita o narinig dahil kung ipagkakalat, tiyak pagmumulan ng gulo. Ang iyong masasaksihan ay magbibigay ng magandang aral. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 18, 43 at orange.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung may negosyo, magsisimula ang pag-unlad. Kabaligtaran naman ang tungkol sa pag-ibig kaya maging mahinahon at maunawain tungkol dito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 34, 36 at indigo.   

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag ibigay o tikman ang pinakabawal na wala sa tamang panahon dahil pagsisisihan. Sa mga may pananagutan sa buhay, malamang matuklasan ang bawal na gawain sa buhay may asawa. Lucky numbers at color for the day ay 18, 20, 39, 41 at brown.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Masakit man ang mga salita na marinig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang magandang leksyon ang nagawa na hindi na mauulit kailan man. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 30, 34 at red.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang daliri ng kamay, kailan man ay hindi pantay kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 32, 39 at jade green. 

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Kung may pangakong hindi natupad, huwag kalimutang hu­mingi ng dispensa para hindi masira ang pagkatao. Pangalagaan ang reputasyon dahil ito ang tanging yaman na higit pa sa ginto. Lucky numbers at color for the day ay 9, 20, 38, 40 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kung may katungkulan at alam na may pagkakamaling nagawa ang nasasakupan, huwag matakot komprontahin o bigyan ng leksiyon para maging tapat sa tungkulin. Trabaho lamang, walang personalan. Lucky numbers at color for the day y 2, 12, 41, 42 at aqua blue.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

COLOR

DAY

HINDI

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with