^

Dr. Love

Maganda pero walang suitors

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi Sir. Tawagin mo na lang akong Ida, 19 anyos at college student. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero maganda po ako. American mestiza ang nanay ko at ang tatay ko ay may Indian blood.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kakaunti ang nanliligaw sa akin. Ngayon ay dalawa lang sila na parehong hindi ko type. Kumukuha po ako ng accountancy at kabilang sa nasa deans list.

Sabi ng ibang kaibigan ko, baka ito ay dahil sa sobrang talino ko at akala ng mga guys ay hindi ako ma-reach. Hindi naman siguro mabuti na ilalantad ko ang sarili at ipagsigawang “ligawan n’yo ako.”

Sabi ng isang friend ko, mukha raw akong suplada at seryoso. Hindi po ako suplada pero talagang seryoso ako sa pag-aaral dahil gusto kong manatili ang full scholarship ko sa school. Ano kaya ang dapat kong gawin?

Ida

Dear Ida,

Tama siguro ang kaibigan mo sa pagsasabing ang pagiging mukhang suplada ang dahilan kung bakit malayo sa iyo ang mga guys. Hindi naman kailangang ipagsigawan na kailangan mo ng manliligaw.

Marahil, ang dapat mong gawin ay maging palangiti at more friendly. Magagawa mo naman ito kahit seryoso ka sa pag-aaral.

Totoo na kung minsan, ang mga guys ay natu-turn-off sa mga babaeng sobra ang talino kaya dapat kang mag-level down para hindi ka pangilagan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANG

ANO

DEAR IDA

DR. LOVE

HI SIR. TAWAGIN

HINDI

IDA

KUMUKUHA

SABI

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with