^

Dr. Love

Malayo ang agwat

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Umaasa akong nasa pinakamaganda kang katayuan sa pagtanggap mo nitong liham ko, Dr. Love. Isa po ako sa masugid ninyong tagasubaybay. Tawagin n’yo na lamang akong Eliz, 48-anyos at isang factory worker.

Biyuda na po ako sa loob ng apat na taon. Sa pabrikang pinagtatrabahuhan ko, may nanliligaw sa akin na ang edad ay 31-anyos lang. Labingpitong taon ang agwat namin.

Sabi ko sa kanya ay puwede ko na siyang maging anak pero ang sagot niya ay wala raw siyang pakialam dahil ang alam niya ay mahal niya ako.

Katunayan, ang nanay niya ay 51-anyos lang, matanda lang sa akin ng tatlong taon. Bukod diyan, ang panganay ko ay 30-anyos na rin dahil 16-anyos lang ako nang mag-asawa.

Nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Pero hindi ko pa siya matanggap dahil baka tumutol ang anak ko.

Dapat ba akong makipagrelasyon sa isang higit na nakababata?

Eliz

Dear Eliz,

Kung binata siya at tapat ang pag-ibig sa iyo ay walang hadlang para kayo ay magmahalan. Pero ang bunga niyan ay ang pagtataas ng kilay ng ilan. Puwede kang kantiyawan na pumatol sa lalaking para mo nang anak.

Kung matatanggap mo ang ganyang mga patutsada, okey lang. Ituloy mo dahil pagda­ting sa pag-ibig, hindi sagabal ang edad.

Puwede ngang tumutol ang anak mo pero hindi ka na man puwedeng pigilan sa desisyon mo. Dahil wala naman talagang masama sa gagawin mo, lalo pa’t magpapakasal kayo.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIYUDA

BUKOD

DAHIL

DEAR ELIZ

DR. LOVE

ELIZ

PERO

PUWEDE

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with