^

Dr. Love

Setyembre 27, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang pang-unawang kaloob ng Diyos ang nagdudulot sa akin ng kontentong pakiramdam sa lahat ng biyayang ibinubuhos Niya sa akin.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matatapos na rin ang iyong problema na may kinalaman sa kalusugan. Makakatanggap ka ng proposisyon galing sa nakakataas. Pag-ukulan ng pansin ang pakiusap ng iniibig. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 32, 38 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Susuportahan ka ng mga kaibigan sa bagong larangan ng negosyo. Mapapawi na rin ang pag-aalala na matagal mo nang dinadala at nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 20, 43 at green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maiiwasan mo ang isang delikadong libangan na magsasalba sa iyo sa kapahamakan. Mapapa­sakamay mo na ang matagal nang hinahangad. Maaangkin mo ang gantimpala ng paghihintay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 30, 44 at fuchsia.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Masisigurado sa iyo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hinihiling. Huwag pag-aksayahan ng panahon ang mga ‘di karapat-dapat. Magplano para maging tama ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 21, 33 at violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Mararapatin mong alamin ang hangarin ng iniibig. Makikita mo ngayon ang isa sa nakaraan mong pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 11, 15, 23, 39 at platinum pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ilalaan mo ang iyong atensyon sa taong mas nanga­ngailangan kaysa sa’yo. Magkakaroon ka ng maraming katanungan tungkol sa problemang puso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 37, 9 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hihikayatin ka ng isang negosyante na mamumuhunan sa nauusong negosyo. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 35, 42 at aquamarine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magkakaroon ng hidwaan sa isa sa mga kasambahay, kaibigan o kasamahan sa trabaho. Limutin ang nakaraan at harapin ang hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 33 at lavender.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Marami kang pakikitunguhang mga tagasuporta sa pulitika o sa propesyon. Magkakaroon ng bagong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 3, 14, 28, 31 at midnight blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Balansehin ang oras sa mga kaibigan at minamahal. Maglaan pa ng dagdag na oras para matapos ang isang nasimulan. May kakaiba sa iyo sa araw na ito na mapapansin ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 35, 38, 41 at mustard yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mapagkakakitaan ang mga bagay na itinabi mo noon. Tatamarin kang makipagpakita sa isang katagpo. Kailangan ang magpasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 30, 37 at ruby red.

VIRGO (Agosto 23- Set­yembre 23) – Sisipagin kang mag-ayos ng mga parapernalya sa bahay. Magkikita kayo ng iyong minamahal sa araw na ito.  Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 10, 35 at emerald green.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

DISYEMBRE

LUCKY

MAGKAKAROON

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with