^

Dr. Love

Nagbubulagbulagan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hope you are in fine shape today as you receive my letter. My name is Triccia and please withhold my family name.

I am getting 20 years old this coming May at mayroon akong boyfriend. Tawagin mo na lang siyang Simon.

Si Simon ay dating boyfriend ng best friend ko sa school at siya ay kilala sa pagiging playboy. Sabi nga ng best friend ko, baka magsisi raw ako.

Pero damdam ko’y mahal ako ni Simon at na­ngako siya sa akin na ako na lang ang magiging girl niya at pakakasalan pagka-graduate.

I think, I am in-love deeply with him. Lately, nakakarinig ako ng mga balita na may ibang nililigawan at dini-date si Simon sa kabilang college. Ayaw kong maniwala hanggang minsan, sa pamimili ko sa isang mall sa Manila kasama ang aking cousin, nakita ko siya na may kaakbay na ibang babae.

Hindi nila ako napansin. Pinipilit ko na isipin na ang kaakbay niya ay kanyang cousin pero ramdam ko sa puso ko ang selos. Ayaw kong masaktan. Ayaw ko itong isumbat kay Simon dahil baka masaktan ako sa sasabihin niya.

Ano gagawin ko?

Triccia

Dear Triccia,

Nabubulagan ka ba o nagbubulagbulagan? Napatunayan mo na sa sarili mo na taksil ang boyfriend mo sa simula pa lamang na ligawan ka niya.

Huwag kang padala sa iyong nararamdaman. Kung ayaw mong masaktan lalo, makipagkalas ka na sa salawahan mong boyfriend gaya ng ginawang pakikipagkalas ng best friend mo sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

AYAW

DEAR TRICCIA

DR. LOVE

HUWAG

NABUBULAGAN

SI SIMON

TRICCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with