^

Dr. Love

‘Di kasundo ang hipag na ‘hilaw’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkasundo kami ng boyfriend ko na mag-live muna at kapag nairaos na ang panga­nganak ko saka kami magpapakasal. Wala sana akong problema dun, Dr. Love kundi lang sa hipag kong “hilaw” na hindi maganda ang trato sa akin.

Alam kong hindi ako gusto ng nakababatang kapatid na ito ni Danny. Kaya naman nangako siyang hahanapan ng malilipatang kamag-anak ang kapatid niya.

Pero pitong buwan na ang tiyan ko at nakapagbitbit na rin ako ng aking mga gamit sa bahay ni Danny pero andun pa rin ang kapatid niya. Hindi naman na ako makakabalik sa aming bahay dahil malaki na ang aking tiyan. Sigurado malalagot si Danny sa aking mga magulang kapag nalaman nila ang tungkol sa kalagayan ko.

Ano po kaya ang mabuting kong gawin, Dr. Love. Sadyang hindi ko po matagalan ang asal ng kapatid ng boyfriend ko. Ang pangamba ko po ay kapag umarya na naman ang pana­nadya niya o kahit pasaring ay baka hindi na ako makapagtimpi o kaya’y mapaanak ako ng maaga dahil sa matinding inis.

Pagpayuhan po ninyo ako. Sa palagay n’yo po ba ay may intensiyong huwag paalisin ni Danny ang kanyang kapatid para mapilitan akong bumalik sa aking pamilya at makakawala na siya sa obligasyon? Hihintayin ko po ang payo ninyo. Maraming salamat.

Gumagalang,

Gladys

Dear Gladys,

Unang-una, hindi ako pabor sa live-in. Kung ang pananatili ng kapatid ng boyfriend mo ay nagdudulot ng pagkainis o galit sa iyo, hindi maganda ‘yan para sa kagalayan mo.

Mas makabubuti pang umuwi ka na lang sa pamilya mo, kaysa mapano pa kayo ng baby mo.

Hindi imposibleng magalit ang mga magulang mo. Pero humingi ka ng tawad, iharap mo ang boyfriend mo at kumbinsihin sila sa buhay na gusto ninyong simulan nang magkasama.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

DEAR GLADYS

DR. LOVE

GLADYS

GUMAGALANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with