^

Dr. Love

Problema ang nanay ni Bob

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon pa lang kaming nakakasal ni Bob, nagkakaroon na kami ng hindi pagkakaunawaan dahil sa sobrang pakikialam ng kanyang ina sa buhay namin.

Kada dadalaw na lang siya sa inuupahan naming apartment ay bukambibig niya na maraming affordable house and lot sa mga subdivision, gayong ilang ulit ko nang sinabi na hindi pa kami handang magpatali sa 25 to 30 years na utang.

Kahit nga ang pagkakaroon ng baby ay hindi pa namin magawa dahil gusto namin na mapaghandaan ang lahat.

May mga bagay din kaming ikinukonsidera, gaya ng alok ng kapatid ko na sa bahay na lang nila kami tumira sa sanda­ling makuha na nila ang petition sa US. Maganda ang kanilang bahay at maayos ang lugar. Tamang-tama para makapag-ipon muna kami. Ayaw po sana namin ikwento ito ni Bob, pero dahil paulit-ulit ang kanyang ina ay sinabi ko na. Pero ikinagalit pa niya ito. Dahil pinagmukha raw namin siyang tanga.

Hindi na po nakapagpigil si Bob at napagsalitaan ang kanyang ina. Sa inis ay nasabihan niya itong huwag nang makialam sa aming mga plano. Dahil dito ay nagkasamaan na sila ng loob. Gusto ko sanang aluin ang biyanan ko dahil wala namang masama sa intensiyon niya, kaya lang talagang nakakatulig naman.

Pero pinigilan ako ni Bob para raw ma-realize ng kanyang ina na respetuhin ang buhay ng kanyang anak. Gusto ko pong itanong kung tama ba ang pasya namin ni Bob na huwag munang bumili ng sarili na­ming bahay at lupa? Maraming salamat po.

Your avid fan,

Divine

Dear Divine,

Maganda ang offer ng kapatid mo, pero hangga’t hindi pa nila natatanggap ang petition wala pa ring kaseguruhan ‘yun. Mas maganda pa rin na may matatawag kayong sarili ninyo.

Kung ako sa inyo, mag-inquire na kayo dahil mas magaganda ang offer ngayon sa mga pabahay. Magandang pagkakataon rin na gawin ang pag-i-invest habang productive pa kayo at habang wala pang anak.

DR. LOVE

vuukle comment

AYAW

DAHIL

DALAWANG

DEAR DIVINE

DR. LOVE

KADA

MAGANDA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with