^

Dr. Love

Natutong bumaling sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear, Dr. Love,

Nasa second year na po ako sa nursing nang magsimulang tumamlay ang love life ko. Hindi ko na po maramdaman na may boyfriend ako.

Halos isang beses na lang kada buwan kami nagkikita ni Marlon at ang ipinagngingitngit ko ay okey lang sa kanya. Minsan nga ay guma­gawa na ako ng paraan para pagselosin siya, pero walang epekto sa kanya.

Nahihirapan na po ako sa sitwasyon namin. Girlfriend niya ako at hindi naman basta lang kakilala niya. Miss na miss ko na siya pero parang balewala lang ako sa kanya.

Maraming buwan pa po ang lumipas na ganon ang set up namin, hanggang sa makilala ko si Randolf. Madalas siya sa internet shop ng tita ko, na ako ang nagbabantay.

Nagpadala siya ng friend request sa akin sa facebook at ‘yun na ang simula ng ma­dalas naming pag-uusap. Ang chat ay naging text hanggang sa nagde-date na kami at naging “kami.”

Namalayan ko na lang na may surprise sa akin si Marlon, dahil 1st anniversary na pala namin. Nag-effort siya ng husto at parang pusang naglalambing, nagso-sorry rin dahil sa kawalan niya ng oras sa akin. Hindi ko po napigilang umiyak at sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi ko intensiyong lokohin siya, pero mahal ko na si Randolf.

Noon din ay nag-break kami. Dahil noong mga oras na ‘yun ay nakumpirma ko na hindi ko na mahal si Marlon. Sa nangyaring ito, nalungkot ang mga magulang ko at mga kaibigan ko dahil boto sila kay Marlon na matalino, masipag at natitiyak daw nilang may magandang future. Pero ang hindi nila alam, may problema sa relas­yon namin. Sa palagay n’yo po ba tama ang naging desisyon kong i-break si Marlon?

Celine

Dear Celine,

Para sa akin ang tanging dapat na maging dahilan sa pakikipagrelasyon ay pagmamahal. Mahal mo at mahal ka. Kaya kung ang mahalagang sangkap na ito ang mawawala, wala nang saysay para manatili ka pa roon. Kaya sang-ayon ako sa naging pasya mo na maging tapat sa sarili at sa ex-boyfriend mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CELINE

DAHIL

DEAR CELINE

DR. LOVE

KAYA

MARLON

RANDOLF

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with