^

Dr. Love

Pinagdadamutan ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat po ako dahil naaawa ako sa aking pamangkin, anak ng nakakatanda kong kapatid. Dahil kung sino pa ang anak na nag-aaruga sa kanya ay siya pa niyang pinagdadamutan.

Naaksidente po kasi ang ate ko at na-dislocate ang buto sa kanyang tadyang. Canadian citizen po siya at ang pangatlo niyang anak na si Teresa ang matiyagang nag-aalaga sa kanya.

Wala po kasing nagtatagal na kasambahay dahil matigas ang ulo ng kapatid kong ito. Mahilig sa bawal at kinagagalitan pa ang kasambahay. Tanging si Teresa ang nakakapagtiyaga sa kanya. Ako at ang kapatid kong si Doray ang nahihingan niya ng tulong kapag kailangan.

Pinadadalhan niya kami ng pamasahe mula Isabela at sinasagot din ang kita namin sa pagtatanim sa tuwing lumuluwas kami. Alam ko po kinakapos siya sa mga gastusin pero kahit isang dolyar ay hindi siya binibigyan ng inaalagaan niyang ina.

Sa halip ang panganay na anak ni ate ang regular niyang pinadadalhan ng pensiyon. Paano ko po maipapa-realize kay ate na tulungan din ang anak niyang si Teresa na nagmamalasakit sa kanyang kalagayan?

Minsan ko nang sinabihan si ate tungkol sa pagdadamot niya kay Teresa, pero matigas ang loob niya nang sabihing hayaan daw magtiis ang anak dahil hindi niya gusto ang lalaking naging asawa nito.

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang mabuting gawin, Dr. Love.

Gumagalang,

Aling Nenita

Dear Aling Nenita,

Nakakahadlang ang naitanim na sama ng loob para maunawaan ng inyong ate ang kalagayan ng kanyang anak na si Teresa. Bilang mga tiyahin, sikapin na lamang ninyong maalalayan ang inyong pamangkin sa pag-aalaga sa inyong kapatid. Punuin ninyo siya ng pagkalinga at laging isama sa inyong dasal.

Dahil tanging ang Maykapal lang ang may kakayahang baguhin ang ating puso. Siya rin ang pinagmumulan ng kagalingan sa anumang karamdaman, kaya lumapit tayo sa Kanya. Kasama n’yo kami sa panalangin na bumuti ang kalagayan ng inyong ate.

DR. LOVE

vuukle comment

ALAM

ALING NENITA

ANAK

ATE

BILANG

DAHIL

DEAR ALING NENITA

DR. LOVE

TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with