^

Dr. Love

Pihikan sa lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi there, Dr. Love. Bumabati ako sa iyo ng pinagpalang araw.

Umaasa ako na sa pagtanggap mo ng sulat ko ay masaya ka at walang problema.

Kung puwede, huwag mo nang sabihin ang buo kong pangalan. Tawagin mo na lang akong Dina, 27-anyos.

Pihikan ako sa manliligaw kaya hanggang ngayon ay dalaga pa rin. Isa sa mga dahilan marahil ay ang pagkainis ko sa aking dalawang naging boyfriend na mapagsamantala. Matapos makuha ang ibig nila sa akin ay nawala sila na parang bula.

Ngayon ay may tatlong manliligaw ako. Sa anyong panlabas ay mabuti ang ipinakikita. Pero wala na akong tiwala sa lalaki.

Paano ko malalaman ang katapatan ng manliligaw? Paano ko malalaman na hindi ako lolokohin?

Ayaw ko nang masawi sa pag-ibig, Dr. Love. Sana matulungan mo ako.

Dina

Dear Dina,

May kasabihan na walang manloloko kung walang magpapaloko. Ayaw ko sanang manisi pero kung hindi mo agad ibinigay ang sarili mo sa dalawa mong boyfriend ay hindi sana mangyayari sa iyo ang ganyan.

Kapag ibinigay ng babae ang sarili sa kanyang nobyo, asahan mo na malamang paglaruan na lang siya nito. Iisipin kasi na easy to get ka.

Kaya kung magkaka-nobyo ka uli, ma­ging mahinhin ka naman at huwag basta-basta isinusuko ang pagkababae.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AYAW

BUMABATI

DEAR DINA

DINA

DR. LOVE

IISIPIN

PAANO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with