^

Dr. Love

Bilin ng ina o ng asawa?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago namatay ang nanay ko ay ibinilin niya sa akin ang pinakamamahal niyang kapatid, si Tiya Tindeng na siyang umaruga at nagtaguyod sa kanya hanggang maabot niya ang pangarap na maging teacher.

Kaya naman bilang pagtanaw ng utang na loob, ang kauna-unahang sweldo niya ay iniabot niya sa kanyang ate. Siya rin ang naging tagasuporta sa mga pangangailangan ni Tiya Tindeng.

Nang makapangasawa ang aking tiya, nagsimula ang kalbaryo ng buhay niya. Dahil sugarol ang kanyang asawa at tamad naman ang tatlo niyang anak na lalaki. Sa lahat ng mga pagsubok sa buhay niya ay sinisikap ko po na umalalay bilang pagsunod sa habilin ni Nanay.

Pero nagiging ugat na ito ng hindi pagkakaintindihan naming mag-asawa. Dahil abuso na si Tiyo Romy, napupunta sa sugal ang lahat. Binigyan naman ng asawa ko ng kabuhayan ang mga pinsan ko pero hindi na nadagdagan ang mga alagang manok at baboy hanggang sa tuluyang maubos. Wala man lang bumalik kahit singkong duling na tubo.

Napag-usapan na po namin, maging ng ibang mga tiyahin ko na mag-aabot lang ng tulong kung para kay Tiya Tindeng. Iniwan nina Tiyo Romy at ng mga nagsipag-asawa niyang mga anak ang aking tiya nang ganon na lang.

Gusto ko po kupkupin ang tiyahin ko pero ayaw ng asawa ko dahil mabigat daw para sa amin. Ano po ang gagawin ko, paano na ang habilin ni Nanay?

Gumagalang,

Delsa

Dear Delsa,

Hayaan mo lang muna ang pasya ng iyong asawa para maipakita mo na sinusunod mo siya. Maaari mo pa rin namang tulungan ang iyong tiyahin kahit hindi siya nakatira sa inyo. Bisitahin mo siya ng mas madalas o kaya’y kumuha ng kamag-anak na titingin sa kanya.

Maganda ang makatulong, pero may pagkakataon na may kailangan ka rin ikonsidera para maging balanse. Nasusunod mo ang asawa mo pero hindi mo naman nababalewala ang habilin ng iyong ina.

DR. LOVE

 

vuukle comment

ANO

ASAWA

DAHIL

DEAR DELSA

DR. LOVE

NANAY

TIYA TINDENG

TIYO ROMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with