^

Dr. Love

Lulong sa casino

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello po, Dr. Love. Umaasa ako na matulungan ninyo ako sa problemang taglay ko. Tawagin n’yo na lang po akong Editha,  30–anyos at may asawa. Madalas po kaming mag-away na mag-asawa. Ang dahilan, ayaw na ayaw niya akong maglaro sa Casino.

Slot machine lang naman ang laro ko at wala nang iba. Kung minsan ay nananalo pero madalas, talo. Ang hindi ko malaman ay kung bakit hindi ko mapigilan ang ­aking sarili.

Napipilitan akong magsinungaling sa mister ko kapag ginagabi ako ng uwi. Pero batid niya, hindi ko man sabihin ang bisyo kong ito. Gusto ko na ring tumigil pero hindi ko mapigil ang aking sarili.

Ang pinaka-seryosong away namin ay nang maipatalo ko ang singil kong upa sa aming apartment na P50 libo. Nasampal niya ako at isang-linggo siyang hindi umuwi ng bahay.

Binigyan na niya ako ng babala. Kapag hindi ko tinigil ang pagkakasino ay hihiwalayan na niya ako.

Ano ang gagawin ko para mawala ang bisyong ito?

Editha

Dear Editha,

Ikaw lamang ang puwedeng magpasya niyan. Isipin mo na sa sugal ay wala talagang nananalo.

Kung susumahin ng sugarol ang kanyang panalo, tiyak lalabas na mas malaki ang naipatalo niya. Puwedeng paminsan-minsan ay  manalo ka pero sa hangad mong lumaki ang panalo ay talo ka rin sa dakong huli.  Tanging ang nagpapasugal lang ang panalo.

Wala pa akong kilalang yumaman sa sugal dahil karaniwan sa mga nalululong sa bisyong ganyan ay nagkakawindang-windang ang kabuhayan.

Bago mangyari iyan sa iyong pamilya ay tumigil ka na.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

ANO

BINIGYAN

DEAR EDITHA

DR. LOVE

EDITHA

IKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with