^

Dr. Love

Ex ang best friend ni misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Excited ako sa darating na pagkikita namin ng isang kaibigang si Ruby. Pero hindi ang asawa kong si Tony.

Malapit kaming magkaibigan ni Ruby at kahit pa nitong mga nakalipas na taon ay nabuko ko na naging girlfriend siya ng aking asawa ay lalong lumalim ang pagkakaibigan namin.

Manggagaling siya sa US kung saan siya may marangyang buhay kasama ang napanga­sawang doktor sa state.

Natataranta na po ako sa paghahanda para sa pagdating niya pero naoobserbahan ko na malungkot naman ang aking asawa. Ayaw niya ring pag-usapan ang tungkol kay Ruby.

Dahil dito ay hindi ko po maikaila na nakakaramdam ako ng kaba, na maaaring hindi pa ganap na nakakalimutan ng asawa ko ang kanyang first love. Teenager pa sila nang m­aging mag-on. Hindi pa kami magkakilala ni Tony. Pilit ko pong dinidedma ang namumuong selos sa kalooban ko at iniisip na matagal na ang nangyari sa kanila, may dalawang anak na kami ngayon.

Dr. Love sa palagay n’yo po ba may lihim pang pagmamahal ang asawa ko sa kanyang first love? Pagpayuhan po ninyo ako kung may basehan ba ang aking pangamba. Maraming salamat po.

Gumagalang,

Luningning

Dear Luningning,

Sa palagay ko’y hindi makatwiran na pag-isipan mo ng unfaithfulness ang iyong asawa dahil sa naoobserbahan mo sa kanya kaugnay sa pagdating ng iyong kaibigan.

Pero para sa iyong kapanatagan ay hanapan mo ng magandang timing at itanong mo sa kanya ang naoobserbahan mo. Magagawa mo ‘yun dahil sa tagal ng inyong pagsasama bilang mag-asawa, kilala mo na siya.

Hingin mo rin ang side niya tungkol sa pagbisita ng iyong kaibigan sa inyong tahanan. Kung alangan siya ay hindi naman masama na lumabas na lang kayo ng kaibigan mo para kahit paano ay maiparamdam mo ang pagpapahalaga sa kalooban ng asawa mo.

DR. LOVE

vuukle comment

ASAWA

AYAW

DAHIL

DEAR LUNINGNING

DR. LOVE

GUMAGALANG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with